And the last of my favorite ‘minor’ actresses, a tie between Suzanne Gonzales and Vicky Suba.
Asan na kaya silang dalawa?
Naka-imprint sa akin ang cameo ni Ms. Suba sa Working Girls kung saan she deli-vered kilometric lines in Spanish at ‘yung ngalngalan nila ni Vilma Santos sa Pahiram ng Isang Umaga.
Si Ms. Suzanne, sa appearances niya sa Danny Zialcita classics.
Si Ms. Chanda Romero, may emotional connect at impact sa akin ang papel niya sa Working Girls at ang success definition of her character na “You have to be a good person first.”
She was the best mother of Eric in My Husband’s Lover.

Si Jackie Lou Blanco na sa My Only Love pa lamang, hindi sinasadyang kabugin si Ate Shawie sa mga eksena nila.
Lalo niya akong pinahanga sa Hihintayin Kita Sa Langit.
Tumodo ang inis ko sa kanya, kasi, ang husay-husay niya sa Destiny Rose.
Gladys, hindi matatawaran ang galing
Si Gladys Reyes, short, sweet but impactful ang roles sa Magkakabaung at Barber’s Tales.
At not because she made this republic of ours proud because of her Cannes Best Actress win care of Ma’ Rosa, it is imperative na mapanood mo si Ms. Jaclyn Jose sa Macho Dancer, Takaw Tukso, Itanong Mo Sa Buwan, Sarungbanggi, kahit pa sa Multo In The City.
Icing on the cake na lang ang kanyang victory in Cannes.

Si Jaclyn Jose talaga ang pambansang aktres ng Pilipinas.
***
KAHIT hindi sila belong at tanggap bilang the last movie queens tulad nina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Vilma Santos at Maricel Soriano, hindi pwedeng ikaila na ang ang aking bibigyang pugay at parangal eh pulos actresses of note.
Mga de kalibreng babaeng tunay na mahuhusay.
All of them have beem bruised, intrigued, maligned, pounded, scarred, taunted pero they remain beautiful inside and out.
Topping these A-list actresses, si Ms. Hilda Koronel.
Unforgettable siya bilang Insiang kung saan hindi siya nagpakabog sa acting national treasure na si Mona Lisa.

Hindi makapaniwala ang French peeps sa Cannes na may singganda niyang nakatira sa squatters area.
Nakakabighani siya bilang Anna sa coming of age romantic love classic ni film master Mike De Leon, ang Kung Mangarap Ka’t Magising.
Another artistic collaboration and triumph with her mentor (Lino Brocka) ang pambababoy sa kanya at paghihiganti sa mga bayagan sa orihinal na Angela Markado.
Paglalambing niya kay direk Danny Zialcita, gawing English ang ilang speaking lines niya sa Gaano Kadalas ang Minsan. Kasi, her character owns a hospital and fencing ang recreational sport nito.
Pinakain niya ng alikabok si Bea Alonzo sa The Mistress with this sweeping line, “Layuan mo ang asawa ko. Tagalog ‘yan para maintindihan mo.”
Hilda Koronel is indeed, Hilda Koronel.
***

“Hindi ipagpapalit kahit kay Rio Locsin, wala nang iba para sa akin…”
Parte iyan ng awit ng Hotdogs na Langit Na Naman, isang pagpupugay sa kakaibang alindog ni Ms. Rio Locsin.
True, she was once a bold starlet but in time, Locsin proved to everyone na hindi lang siya the perennial sex kitten.
She can act.
She is an acting force na nararamdaman mo. Kasi, laging may katotohanan ang pagganap niya.
Sa Millennials, panoorin ninyo ang two throwback essential movies ni Ms. Rio.
Una, bilang blind masahista sa Manila By Night aka City After Dark kung saan si Ishmael Bernal ang kanyang direktor.
Sa kanyang kuwento, “Naku, si Direk Ishma, bago mag-take, ang dami-daming instructions, ang daming bilin, ang daming motivation na ibibibigay sa iyo kaya, ako, bilang aktres, I absorb everything.
“Nakakahiya kasi na eto, bigay na bigay siya sa mga suhestiyon tapos ikaw, ‘di mo maibibigay ‘yung gusto niya.
“Kaya ako, tinatandaan ko ang lahat. Tapos, I give it my interpretation na ayon pa rin sa vision ni Direk Ishma. Ayun, take one naman ‘yung eksena ko with him.”
At ang isa pa, Haplos.
Bilang Auring, Locsin was both child-like and womanly, innocent yet provocative, powerful yet needing help and rescue.
Cherie, diva ng local showbiz

In all her kontrabida roles opposite the megastar Sharon Cuneta, Cherie Gil showed all of us kung paano maging glamorosang kontrabida.
I have to give her credit for being the reason kaya may Lavinia Arguelles Honor Rolls tayo tuwing holiday season.
Si Cherie lang ang may gravitas para sabihin ang mahaba-habang linya na alam mong she meant it and enjoyed spewing with such vitriol.
Then, biglang bumulaga sa mga sinehan ang pelikula niyang Sonata, na parang homage ni Gil at nina direk Peque Gallaga at Lore Reyes sa mga Maria Callas of this world.
As Regina Cadena, an aging opera star who lost her voice that resulted to the collapse of her career, the demise of her relationship with her version of Aristotle Onnassis and the heartwarming friendship she shared with a precocious provincial boy, Cherie became the realization of a diva on the verge of a nervous breakdown and how sweet, innocent, pure love redeemed her at the nick ot time.
She was bewildred and confused, damaged and destitute, all fire and ice, thunder and lightning, hale and brimstone and Cherie did give her all, her very essence to become and be Regina.
Si Cherie Gil ang ‘diva’ of Philippine showbusiness.
si Suzanne Gonzales b ang gumanap na Elvira sa Anna Luna teleserye ng dos. Si Elvira ay tiyahin ni Anna Luna na nanay ni Macy na kontrabida sa buhay ni anna luna. Parang nag-asawa yata ng German si Suzanne Gonzales kaya katagalan, nawala siya sa eksena sa Anna Luna. Pero from time to time, kinakausap lang siya ng anak niyang si Macy sa telephone at duon nila pinag-uusapan nag pagsira kay Anna Luna