Jaclyn, wala sa tono!

jacklyn-jose
jacklyn-jose
                JACLYN JOSE

FRUSTRATION ng 2016 Cannes Best Actress na si Ms. Jaclyn Jose ang pag-awit.
Noon pa ay gusto na niyang maging singer kesa maging artista.

Marunong daw siyang kumanta, kaya lang ay wala sa tono!

Kapag may chance si Ms. Jaclyn na kumanta sa stage ay ine-enjoy niya ‘yon dahil ang saya.

Mamayang gabi ay hindi lang siya ang mag-e-enjoy kundi pati lahat ng viewers ng Lip Sync Battle Philippines dahil sina Jaclyn at Roi Vinzon ang magtatagisan ng galing sa pagli-lip sync!

Magpi-faceoff ang dalawang batikang artista na magkasama sa Kapuso comedy show na A1 Ko Sa ‘Yo.

Parehong kabado at nag-aalangan ang dalawa nu’ng umpisa, pero dahil naging close na sila sa pagtatrabaho nila every week, nakumbinsi nila ang isa’t isa na lumaban.

Walang takot na Aegis at Adele ang babanatan ng premyadong aktres.
Si Roi ay nagpaka-Rod Stewart sa unang round at Tina Turner sa ikalawang round.

Sino ang ang magwawagi at ­sino ang uuwing luhaan?

Abangan ang umaatikabong bakbakan sa Lip Sync Battle Philippines ngayong gabi sa GMA pagkatapos ng Magpakailanman.