Jacqui Magno yumao na

Nagluluksa ang showbiz dahil sa pagpanaw ng jazz singer na si Jacqui Magno.

“Oh my Jacqui Magno RIP,” post ni Ogie Alcasid.

Cancer of the pancreas ang kanyang naging sakit sa edad 65.

Si Jacqui ay naging miyembro ng Circus Band na kinabibilangan din nina Hajji Alejandro, Tillie Moreno, Pat Castillo, Pabs Dadivas, Basil Valdez, Richard Tan, with keyboardists Gerry Paraiso, Boy Katindig, bassist Paco Gamboa, drummer Walter Calinawan at lead guitarist Rudy Lozano. (Roldan Castro)