JaDine dedma sa balikan

Wapakels sina James Reid at Nadine Lustre sa balitang muli silang nagli-live in.

Basta pinakilig nila ang mga JaDine fan dahil sabay silang nagpa-interview sa live stream ng MYX Philippines.

Wala silang binanggit kung nagkabalikan na sila .

Nag-share lang sila kung ano ang mga ganap nila sa quarantine at tungkol sa bago nilang musika.

Pinag-usapan ang bagong album ni Nadine under Careless Music ni James . 13 tracks daw ang laman nito at malapit nang matapos. May message daw ang mga kanta niya lalo ‘yung mga taong dumadaan sa pagsubok. Nagsisilbing inspirasyon ito ng mga taong may depresyon.

Ang mapapakinggan sa kanyang album ay pampakalma , magbibigay ng katatagan at pag-asa sa bawat nilalang. Tatlo sa kanta niya ay tumatalakay rin sa mental health.

“We’re focusing mainly on empowerment and self-love. It’s Nadine’s experience. She’s one of the strongest women that I know. She’s been through so much, and I’ve seen her grow. The inspiration was all there. It was really just getting the people together to help tell that story.

“We’re 100 percent focused on Nadine’s album. We’re really proud of it. I feel like it’s going to be the biggest project of the year,” deklara ni James.

Lahad naman ni Nadine, “The album is very personal, because it’s all about what I went through, my experiences.”

Talbog!