KAMAKAILAN lamang. nagpa-special screening para sa mga bloggers ang Never Not Love You. Bakit kaya? Ang pamunuan ng pelikula, hindi pa ba masaya sa P20 million na gross kita nito kaya kinailangan pa nila ang blogging community para mas maging maingay pa ito?

(Wala raw kasi premiere night ito kaya gusto nila ng review pa dahil may international release ang movie.-ED)

Bakit may tweet message pa si Reid para sa kanyang mga supporters na, “Watch the movie before reading reviews to avoid spoilers! I wanna hear your honest opinions, go and see what the fuss is about?”

Ang nakakapagtaka pa, kaliwa’t-kanan naman ang positive reviews tungkol sa pelikula at halos lahat, ang opinyon eh sina James at Nadine ay mahusay ang pagganap at pagbibigay buhay sa kanilang mga katauhang sina Gio at Joanne.

Idagdag pa na ipinagbubunyi ang emotional maturity at commitment to give life not so saccharine roles ang talagang alas at lamang nina Reid at Lustre kung ikukumpara sa bubble gum at nakakaumay na pagpapanggap na sweet na sweet na sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at team ng malutong magmura na si Liza Soberano at si Enrique Gil.

Sa mga rebyu, pinupuri na ito ang pinakamaganda at pinakamatinong pelikula ni Direk Antoinette Jadaone so far.

Nakakahinayang kung lukewarm ang support na binibigay ng JaDine fans sa tunay na espesyal na pelikulang ito. Mahiya naman kayo kina James at Nadine lalo na nga’t sa pelikulang ito, makikita at madadama niyo kung bakit angat sila sa iba. Ang magsing-irog, hindi puwedeng pagdabugan ng bangs ang kanilang pagganap dahil kay husay nila.

Mahusay sila kasi parang hindi sila umaarte, na totoong-totoo ang mga emosyon na binigay nila sa mga sitwasyon at pangyayaring pinagdaanan nina Gio at Joanne. Hindi sila miscast. Walang ngongo. Walang mababaw ang pagkakaintindi sa kanyang katauhan kaya ang atake niya sa pagganap, laging pang-melodrama at pangtelebisyon.

Ngayong back to normal na ang lahat, nawa’y mas dumami pa ang positive word of mouth at mas marami pang reviews ang mailathala para ang mga nagdududa, makumbinsi na worth every peso ang pelikula.

Sa JaDine fandoms, dapat niyong suportahan in a major, major way ito lalo na nga’t ang mga susunod na proyektong pampelikula nina Reid at Lustre eh hindi na sila magkasama.
Hindi niyo naman siguro papayagan at tiyak inyong papalagan na maging the WHO times two sina James Reid at Nadine Lustre. Huwag po! Huwag pa po!

Vilma, Sharon, Dingdong, Cesar kay Leni ba o Bongbong?

KATOTOHANAN nga kaya ang malalaman natin nga­yong binuksan muli ang mga balota at nirerebyu na kung sino nga ba talaga ang bise presidente natin, si VP Leni Robredo nga ba o ang nagko-contest na siya talaga ang pangala­wang pinakamakapangya­rihang ginoo, si dating Senador Bong Bong Marcos?

Kung ano man ang kahihinatnan nito, can we really handle the truth?

Kasalukuyan na isisigaw ang kanilang mga paniniwalang politikal? May matatapang bang aamin na sila ay para kay VP Leni?

Si Dingdong Dantes na may paparating na pelikulang Sid and Aya, all out pa rin ba ang suporta niya nga­yong ang buong pagkatao at kredibilidad ni Gng. Robredo ay put into question once more?

Ang diva that you love, kasama dati ang mabunying si Jose Sixto sa isang rally para kay VP Leni dati.

Eh ang best in dramatic aria sa Facebook at IG stories, ang Megastar na si Sharon Cuneta, sino kaya ang silently, ipinagdadasal niyang magviktoria sa pagkakataong ito?

Marami ang turned off sa dating Madam Chairman dahil by virtue of association, alam na alam na siya at ang kuya niya ay pro-President Digong Duterte.

Nasa demokrasya naman tayo kaya kahit kadiri to death ang nasabing asosasyon, ano pa ba ang magagawa natin kay Ate Shawie?

Kung sila ay kaibigan ni Pinakamakapangyarihang Ginoo, is it safe to speculate that Cuneta and her kin are also pro-Marcoses given the fact that her dad, the late Pablo Cuneta, ruled and reigned in Pasay City nung panahon na sina the late, great Apo at beauteous Waray eh in full force ang conjugal dictatorship?

Si Cesar Montano kaya, na ipinatigil na ang Madrid Fusion Manila dahil wala na raw funds para rito o sad­yang hindi niya inunawa ang importance of this event, obvious na obvious kung para kanino?

Eh si Congresswoman Rosa Vilma Santos-Recto, maliban sa pagkakaroon ng apo care of Luis Manzano at Jessy Mendiola at juice co­lored, huwag naman muna sanang si Ryan Christian Recto pa ang magbigay ng una niyang apo, kaninong katotohanan ang kaya niyang ilaban para sa bayan?

Kung ano man ang kahihinatnan nitong electoral protest na ito, nawa’y katotohanan at pawang katotohanan lang ang maghari. Nawa’y hindi ito moro-moro, hindi rin palabas lang to show who is the boss.