JaDine, extra-sweet sa Greece

Nadine Lustre at James Reid

HINDI lang pala sa Santorini ang taping ng Till I Met You na bagong ABS-CBN teleserye nina James Reid at Nadine Lustre.

Around Greece pala ang locations nila.

Sa huling update sa amin ng isang kasama sa taping, nasa Myconos na sila.

Sa weekend ang alis nila sa Greece, kaya malamang na hanggang bukas ay nagte-taping pa sila.

Magaan daw katrabaho sina James at Nadine at dahil natu­ral na ang pagiging sweet nila sa isa’t isa, hindi nahihirapan sa kanilang mga eksena ang direktor nilang si Antoinette Jadaone.

Mas nakakakilig daw ang Till I Met You compared sa On The Wings of Love.

***

Touched si ­Martin Nievera dahil puma­yag sina Zsa Zsa ­Padilla at Noel Cabangon na mag-guest sa kanyang Kahapon… Ngayon concert sa KIA Thea­ter sa ­Agosto 26.

Kakantahin ni Martin ang mga kantang nakapaloob sa kanyang Kahapon… Ngayon album, kabilang ang Cebuano song na Usahay na pinasikat ng una niyang manager na si Pilita Corrales.

Nang i-record ni Martin ang Usahay, hindi na siya nanghingi ng tips kay Pilita dahil pina­kinggan na niyang mabuti ang version nito ng nasabing Cebuano song.

Pati ang version ni ­Vina Morales ng ­Usahay, pinakinggan din ni ­Martin.

Medyo nahirapan ­siya sa pagre-recording ng Kahapon… Nga­yon album niya dahil puro Tagalog at Cebuano songs, pero maraming­ nag-coach sa kanya.

Kahit hindi kasama ang ex-wife niyang si Pops Fernandez sa Kahapon… Ngayon concert niya ay itinanong pa rin ito sa kanya ng mga nag-interbyu sa kanya.

Sabi ni Martin, maganda ang relasyon nila ni Pops bilang magkaibigan at kahit anong oras na kailangan siya ng ex-wife, darating at darating siya.

Kung malayo siya, asahan na gagawa siya ng paraan para damayan ito!

***

Mali ang akala ng marami na si Dr. Vicki Belo ang gagastos sa pamasahe ng mga bisitang pupunta sa kasal ng anak niyang si Cristalle­ Belo Henares sa Italy ngayong Setyembre 15.

Kanya-kanyang gastos ng mga kaibigan ni Cristalle ang pagpunta nila sa nalalapit na kasal ng kaibigan.

Parehong sa Italy (sa magkaibang lugar) ang kasal nina Cristalle at Isabelle Daza, kaya hindi maiiwasang mapagkumpara ang mga ‘yon.

Pero ayon sa common friends nila, hindi totoo ang duda ng iba na baka may isa sa kanila na nanggaya ng idea na magpakasal sa Italy.

Nagkataon lang daw ‘yon.

Pati ang pagkakalapit ng wedding dates nila, hindi rin daw sadya.