JaDine huli pero ‘di kulong

NI: RONA RONDA

Nagkabalikan na ba sina James Reid at Nadine? ‘Yan ang tanong na namuo sa mga netizen nang kumalat ang larawan nila sa Facebook.

Limang buwan na ang nakararaan nang tuldukan nila ang relasyon. Nabuhay naman ang natutulog na pag-asa ng kanilang mga fan dahil ‘tila magkasama umano ang dalawa sa kabila ng pandemic.

Usap-usapan kasi ang parehong couch na hinihigaan ng ex-couple sa magkahiwalay na larawan. Sey ng ilang fans na kuha ito mula sa tahanan ni James na minsan na nilang tinirhang dalawa.

“Huli pero di kulong,” caption sa nakakaintrigang larawan.

Dumagdag pa sa espekulasyon ang reliable source ni DJ Jhai Ho sa kaniyang online talkshow na #OKS4T. Ayon sa source, nagkabalikan na umano ang former couple.

Kinilig naman ang mga fan at umaasa na muli nilang makita ang daan pabalik sa isa’t isa.