TINUTUKAN ng televiewers ang pagbabalik-primetime nina James Reid & Nadine Lustre kaya nanguna sa national TV ratings ang pilot epi­sode ng seryeng Till I Met You noong Lunes (August 29).

Matinding suporta ang ipinaram­dam ng fans para sa la­test serye ng ABS-CBN kaya nagkamit ito ng national TV ra­ting na 28.2%, kumpara sa katapat na palabas nitong Descendants of the Sun na nakakuha lamang ng 17.2%.

Mainit din ang pagtanggap ng netizens sa pagbabalik-primetime ng JaDine at nag-trend sa Twitter ang official hashtag na #TIMYLoveBegins na nakakuha ng mahigit 1M tweets.

***

Lumikha ng alingas­ngas ang pagkaka-post ng Lionheart site ng pagkakahawig ng poster at teaser ng Arrow (ni Stephen Amell) at ang Alyas Robin Hood (bagong teleserye ni Dingdong Dantes sa GMA 7).

Sabi ng mabining ta­gapaglikha ng Alyas Robin Hood na si Suzette Doctolero, PEG lang daw ito at since public domain ang Robinhood na siya ring peg o pinagha­lawan ng Arrow, eh entitled daw ang production team ng GMA na gumawa ng sarili nilang bersyon.

Ipinakita ang poster at teaser ng Alyas Ro­bin Hood sa Comic Convention.

Heto ang ilan sa reaksyon ng netizens:

“Maybe we should stop looking for ‘pegs’ and start looking for real ideas.”

“Finding a peg doesn’t require skill… Develo­ping an idea takes years of practice, research and e­ducation.”

“Maybe we should stop resorting to the cheap and easy and start focusing on the good and lasting.”

“A peg is a convenient shortcut to arrive at a tested eureka moment.”

“I think it becomes frustrating when your forced to spend more time looking for pegs than working on making the idea better”

“People need to stop looking at youtube and start thinking of an idea. Then they can tell that to the director who will then tell the story.”

“Bakit parati na lang peg, pano naman ‘yung cow?”

One Response