ROMMEL PLA­­CENTE: Kung dati ay sikat na sikat ang tambalang James Reid at Nadine Lustre, ngayon,­ sa aminin man nila o hindi, ay bumaba ang kanilang popularity.

 

Ang huling pelikulang ginawa nga nila noong 2018 titled Never Not Love You ay wala umano sa P100M ang kinita sa takilya, hindi katulad ng mga nauna nilang pelikulang ginawa na talagang naging mala­king hit.

 

Ang huling serye rin na ginawa nila sa ABS-CBN 2 noong 2016 na Till I Met You ay mababa ang rating, kaya agad itong tinigbak sa ere. Hanggang ngayon­ ay hindi pa ulit sila binibigyan ng serye ng Kapamilya network. At dahil nga sa hindi­ rin kalakihang kinita ng Never Not Love You, ay hindi pa ulit sila binibigyan ng movie together ng Viva. Nagkaroon nga ng movie si James after ng nasa­bing pelikula, pero hindi naman si Nadine ang kinuhang kapareha niya kundi si Sarah Geronimo sa Miss Granny.

 

 

Pinagpahinga muna nila ang JaDine. Si Nadine ay may ipapalabas na pelikula pero hindi si James ang kapareha niya rito kundi si Carlo Aquino. Laos na nga ba ang tambalang Jadine? Ano sa tingin niya mga ka-Cuatros?

 

 

MILDRED A. ­BA­CUD: Ako naniniwala naman friend Rommel na malakas pa rin ang JaDine. Right project lang talaga. Su­bukan nilang gumawa ng pelikula under Star Cinema at sa direksyon ni Cathy Garcia Molina. Malawak pa rin ang fan base nila ‘di lamang dito sa ‘Pinas maging sa ibang bansa. Pero hindi rin naman ako kontra sa resulta ng huli nilang mga projects ang dating ay humina sila. Ang naging problema siguro ‘yung pagiging all out nila sa relasyon at sa mga eksena sa pelikula.

 

Kumbaga wala ng thrill. Like’ yung mga eksenang halikan lagi na lamang nilang ginagawa sa pelikula unlike KathNiel na 4 years pa ang hinintay bago ang first kissing scene nila sa big screen. Kumbaga pinasabik nila ang manonood. Ang tanong lang gusto pa ba ng ma­nagement na mag-focus sa love­team nila? Parang hindi na kasi kaya binibig­yan na sila ng separate projects like Nadine na may upcoming­ movie with Carlo Aquino entitled ‘Ulan’.

 

 

RODEL FER­NANDO:­ Hindi naman sa laos kaya lang talagang bumaba na ang kanilang popularidad dahil sa totoo lang hindi nagugustuhan ang mga ginagawa nila lalo na sa kanilang personal na buhay. Mukhang hindi tanggap ng mga tao ang lantarang romansa nila. Kabilang dito ang napapabalitang nagli-live in na umano sila.

 

 

Of course sa kulturang Pinoy ay hindi masyadong tanggap ‘yun lalo pa’t di pa sila katandaan. Isa pang factor ay ‘yung hindi umano sila magiliw sa mga fan. May pagkakataon daw na diumano ay kahit magpa-picture sa kanila ay ayaw nila. Napakaimportante nito lalo na sa mga tagahanga.

 

 

Mukhang matagal bago pa sila makabawi. Dapat siguro ay bawas-bawasan muna nila ang masyadong affection sa isa’t isa. Opinyon kasi ng iba ay nakakasawa na mga pino-post nilang magkasama together na may nega factor kay Nadine na masyado raw ang pagka-inlababu sa binata.

 

Si James puwedeng magsolo at mapagta­tagumpayan niya pero si Nadine ay ewan ko lang.

 

RONALINE AVE­­CILLA: Grabe siya kay Nadine. May talent­ naman siya. Marunong umarte, sumayaw at kumanta. Kahit wala si James magka-career pa rin siya dahil may ibubuga siyang talento. Huwag lang pairalin ang attitude magtatagal siya sa industriyang ito.

 

Okey rin ‘yung wala muna silang project na magkasama sila ni James. Effect lang ‘yung may sabik factor.

 

Kung ang KathNiel­ nga hiwalay muna at balitang ipa-partner si Kath kay Alden Richards,­ ganu’n din ang nangyayari ngayon sa JaDine.

 

 

Basta ako watch na ng ‘Ulan’ nina Nadine, Carlo at Marco Gumabao sa March 13.
O siya mag-swimming muna ako dito sa Batangas. Happy ­birthday to me. Babu!