MAPAPANOOD sa iba’t ibang multimedia platforms ang Till I Met You ng JaDine at pelikulang Love Me Tomorrow nina Piolo Pascual & Dawn Zulueta nga­yong weekend (Sept 3-4).

Matutunghayan ang mga ito sa digi­tal TV (ABS-CBN TVplus), mobile (iWant TV ng ABS-CBNmobile), pay TV (SKY Pay-Per-View), at video-on-demand (SKY On Demand) para sa isang siksik na cinematic experience ano mang oras kahit saan.

Makikita ng fans ang pilot week episodes ng Till I Met You na commercial-free.

Ito rin ang preview na ipinakita sa fans noong grand JaDine World Day sa Trinoma.

Special limited offer ng ABS-CBN TVplus ang Super KBO na layunin mag-enjoy pa ang bawat Pilipino sa panonood ng bagong mga programa gamit ang gusto nilang gadget.

Ito ang pangalawang pagkakataon na mapapanood sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN ang matin­ding lineup ng programa matapos ang successful Super KBO noong Agosto.

Unang beses ito na ipapalabas ang Love Me Tomorrow sa Philippine digital TV, cable, mobile, at video-on-demand matapos ang thea­trical release nito noong Mayo.

Mapapanood din sa Super KBO ang Love is Blind nina Derek Ramsay, Soleen Heusaff & Kiray Celis; Maybe This Time starring Coco Martin & Sarah Geronimo; Resbak, Employee of the Month, Exorcismus at PBB marathon.