JaDine, mas ok sa dating timeslot

James Reid and Nadine Lustre

BONGGA! Pagbibigyan na pala ng ABS-CBN ang kahilingan ng JaDine fans na ilagay sa dating timeslot ng On The Wings of Love ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

Simula bukas, ang da­ting timeslot ng OTWOL ay ang timeslot ng bagong teleserye nina James at Nadine.

Last week ay nag-leak na ang tungkol sa balitang ito at bumuhos ang positive feedback mula sa JaDine fans na tama ang desisyon ng ABS-CBN management na mas i-late ang timeslot ng Till I Met You.

Noong una pa, inakala na ng JaDine fans na sa dating timeslot ng OTWOL ilalagay ang Till I Met You, pero mas maaga ‘yon, na ipinag-react nila.

Ang iba kasi, nagre-react na hindi nila inaabutan ang Till I Met You dahil sa tindi ng traffic at pag-uwi nila ng bahay ay tapos na ‘yon.

Sina James at Nadine, happy ba naman na sa dating timeslot na ng OTWOL ilalagay simula bukas ang Till I Met You?

“Yes naman!” sey ng mga taga-Till I Met You.

Noong Biyernes ay sa Tagaytay City ang location taping ng Till I Met You at bukas sa Subic naman daw sila.

***

Aware si Annabelle Rama na kasa-kasama ng anak na si Ruffa Gutierrez ang boyfriend nito na si Jordan Mouyal sa Italy kung saan ay um-attend sila sa kasal nina Cristalle Belo at Justin Pitt sa Lake Como noong Huwebes.

In passing kasi, napag-usapan namin ni Bisaya ang tungkol doon at ayaw na lang pala niyang mag-react.

“Akala ko nga, umuwi na sa Paris. Akala ko, wala na rito, pero sumama na naman pala sa Italy. Ayoko na lang away-awayin si Ruffa at baka magkasakit na naman uli.

“Kung magkakasakit na naman kasi, ako na naman ang iiyak. Ako na naman ang mate-tense. Tahimik na lang muna ako,” sabi ni Bisaya.

Mukhang tutok na tutok din kasi si Bisaya sa mister na si Eddie Gutierrez na may ginagawang pelikula ngayon under Golden Lions (co-produced yata with Viva Films) ng mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa, kaya hindi na lang muna nagre-react si Bisaya sa boyfriend ni Ruffa.

Laging sumasama si Bisaya sa set kapag may shooting si Tito Eddie at panay ang tsikahan with Tita Donna.

Teka! Sa dalas magkasama nina Bisaya at Tita Donna ngayon, hindi kaya makabuo sila ng movie project for Zion, ang cute na cute na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati?

Ilang producers na rin kasi ang lumapit kay Bisaya at kinukumbinsi siya na kumbinsihin sina Richard at Sarah na payagan na si Zion na mag-artista.

Tatlong taon na si Zion at napakarami nang naghihintay na pasukin na rin niya ang pag-aartista, huh!

***

Jericho Rosales at Arci Muñoz
Jericho Rosales at Arci Muñoz

Sayang at yumao na ang tatay ni Arci Muñoz kung kailan pa namamayagpag na ang kanyang career.

Sana ay nasusu­baybayan nito ang lalong gumagandang career ng anak.

Sa sobrang supportive ng tatay ni Arci sa career ng anak, kung nabubuhay lang ito ay tututok ito bukas sa pagsisimula ng bagong primetime series ni Arci sa ABS-CBN, ang Magpahanggang Wakas kung saan co-stars niya sina Jericho Rosales at John Estrada.

Marami sa mga dating kasamahan ni Arci sa GMA 7 at TV5 ang natutuwa sa tagumpay na tinatamasa niya.

Mabait kasi si Arci, kaya pinagpapala.