ISA ako sa milyong sumasaksi at pinanood ang raise-the-roof na television kuyangyangan nina­ Iris at Basti ­(Nadine Samonte & James Reid) sa teleseryeng Till I Met You.

Bonggang-bongga ang laplapan. There is a sensuality to it at tastefully done.

Katotohanan ang ipinakita sa nasabing eksena­ at tiyak na tiyak, ang sanrekwang mapupusok na kabataan, either natuwa,­ naiinggit, kinilig or ­parang sinampal dahil ­hiyang-hiya sila na they did it inside a car and the TV scene reminded them of their naughty deed.

Sa mga nagmamalinis at feeling MORALISTA, mali at dapat hindi pinayagan ang eksena­ dahil baka GAYAHIN ito by the impressionable millenials.

Ito namang mga ­“moralista,” parang walang malay sa kamunduhan at takbo ng mundo.

Hindi na nila kailangan pa ang isang TV show para maengganyong maglaro ng apoy.

Easy access sa internet­ ang mga adult entertainment sites.

Bago pa bumuga ang mga bunganga ninyo na IMORAL at MALASWA­ ang TIMY dahil sa ­kuyangyangan sa likuran ng kotse, mag-petition na ­kayong ipagbawal ang ­internet access sa mga batang 21 years old and below.

Ang ipinagtataka­ ko lang, bakit parang minamadali na ang ­lahat sa drama nina Reid at Lustre?

Minadali ang sexual congress scene. Minadali­ ang chipipay na kasalan kuning-kuning.

Ano ito, minamadali na bang matapos ang TV drama?

Totoo ba ang chikang ngayong Nobyembre eh may chance na magbabu na ito sa ere?

Saka ‘yung susunod na episode clip kung saan ipinakitang may wine glasses na hindi sinasad­yang mabasag, nasira ang wedding cake at kung anong kapalpakan, ano ang emotada encarnacion para sa mga eksena?

Minamadali rin para­ ma-justify ang alinlangan­ ni Iris?

Iris naman… nu’ng nakipag-sex ka sa likod ng kotse, hindi ka kinabahan.

Game na game ka. All mine to give sa pakikipag­laplapan at himas kay Basti.

Ngayong kasal na kayo, saka ka pa kakabaha­n at maniniwala­ sa signs na supposedly ay malas?

Ngayon pa ba mag-­iinarte? Kalurks, huh!

Sa writers ng TIMY, balak n’yo bang gawing bipolar ang karakter ni Nadine?

Huwag naman! Sobra na kayo sa kanya.

Feeling ko, inggit much kayo kay Lustre. Kasi, siya ay tunay na iniirog ni James kaya bilang ganti, ginagawa ninyong weakling, mapusok at ­naniniwala sa mga bagay na walang lohika si Iris.

Sana, mas maging kainaman ang susunod pang story developments sa TIMY.

At sana, mas marami­ pang kasunod na TV kuyang­yangan. Para mas masaya at mas maiinit.

Palakpakan na may kasamang sigawan for James & Nadine!

Sa love teams currently, tanging sila ang mapangahas at matapang to go beyond what is expected sa isang loveteam.

With this bold move, kitang dedicated sila sa kanilang craft as actors and they always deliver the unexpected.

Juice ko! Sina Kim Chiu at Xian Lim, na pinaghiwalay na ngayon,­ dahil back in Gerald ­Anderson’s arms si Chiu-chay, mga di hamak na mas matatanda kina Reid at Lustre, never ginawa­ ang isang eksenang ­PALABAN.

Sa iba pang Kapamilya­ loveteams, will they be as brave and brazen like James Reid & Nadine Lustre?

Ano, KathNiel­ at LizQuen, kaya­ bang tapatan at maki­pagsabayan? Abang-abang!