May suspetsa kami na nasa trial period pa lamang ngayon ang break-up ng magkasintahang James Reid at Nadine Lustre. Susubukan nila kung kakayaning maghiwalay na wala ang isa’t isa. Kumbaga, doon nila mare-realize na mahalaga pala sa kanilang dalawa ang isa’t isa kaya posible na muli silang magkabalikan.
Kung ang mga posts nila ang pagbabasehan ay parang hindi sila hiwalay dahil madalas pa rin silang makitang magkasama sa maraming lakaran.
Kung totoong break na sina James at Nadine ay didistansya muna sila sa isa’t isa para tuluyang makapag-move on. Pero hindi ganoon ang nangyayari sa kanilang dalawa.
Pasasaan ba’t magkakabalikan pa rin ‘yan, na siya namang wish ng JaDine fans.
Allen ‘di magugutom kahit walang pelikula
Walang nakakaalam na ang 45th Metro Manila Film Festival Best Actor winner na si Allen Dizon para sa pelikulang “Mindanao” ay isang matagumpay na entrepreneur bukod pa sa kanyang pagiging isang mahusay na aktor.
Nakatira ngayon ang pamilya ni Allen sa isang 8-bedroom 3-storey house sa isang malawak na lugar ng isang exclusive subdivision in San Fernando, Pampanga.
Makikita roon ang walong luxury cars ng aktor.
Bukod sa buy and sell business ng mga used luxury cars, Allen and his family owns a franchise ng Kenny Rogers sa San Fernando. At ngayong Abril ay magbubukas din ng sarili nilang franchise ng Gerry’s Grill.
Although natotoka si Allen sa paggawa ng mga indie films na hindi super laki ang TF, nagsisilbing passion niya ang acting. Ito ang kanyang first love pero ang kanyang bread-and-butter ay ang sarili nilang negosyo ng kanyang misis. Isa na ring film producer ngayon si Allen na may 37 awards nang naiuwi bilang Best Actor at Best Supporting Actor mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Kasama na rito ang siyam na tropeyo mula sa iba’t ibang international filmfest.
Mark tuloy ang concert kahit namatayan
Sa kabila ng pagkamatay ng ama ni Mark Bautista nu’ng Sabado, tuloy ang concert niya with Christian Bautista at Aicelle Santos. Ito’y ang “1 for 3” na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 1, 8 PM na ididirek ni Paolo Valenciano.
The show must go on kay Mark. Siya ang tumayong bread winner ng kanyang pamilya nang magkasakit ang ama at hindi na makapaghanap-buhay.