NAGLALAGABLAB! Apaw ang pagmamahal sa ‘tikiman’ nina Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid) sa teleseryeng Till I Met You noong Martes nang gabi sa ABS-CBN.

Mainit ang national­ TV rating nito na 15.9%, kumpara sa ka­tapat ­nitong programa na nakakuha lamang ng 11.9%, ayon sa Kantar Media.

Nakakapaso!

Usap-usapan online ang makapigil-hiningang eksena ng JaDine.

Umani ito ng mahi­git isang milyong tweets sa Twitter.

Naging top trending topic worldwide ang official hashtag ng palabas na #TIMYRunAway.

Ano na ba ang mangyayari sa pag-iibigan nina Basti at Iris? Maipag­laban pa kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng pagtutol ng mga mahal nila sa buhay?

***

Magwawakas na bukas nang hapon ang teleseryeng Sinungaling Mong Puso sa GMA 7.

Istorya ito ni Clara (Rhian Ramos) na inabuso ng kanyang asawang­ si Roman (Rafael) at ­natutong lumaban.

“Eye opener ito sa akin kasi during the show, I was able to visit­ those battered married ­women,” sey ni Rhian.

“What they taught me is that makakaalis ka rin sa situation na ‘yun. And for me, I think, para maiwasan ang ganu’n, know your partner first before marrying him.”

***

May indie mo­vie noon na The Escort (2013) kung saan bida si Miko Pasamonte.

Wala iyong kinalaman sa Regal movie na The Escort starring Derek­ Ramsay & Lovi Poe.

May Regal movie rin noon na Hahamakin ­Lahat (1990) starring Vilma Santos & Gabby Concepcion.

Walang kinalaman dito ang Kapuso afternoon series na Hahamakin­ Ang Lahat starring Joyce Ching & ­Kristoffer ­Martin.

***

Kristoffer Martin at Joyce Ching
Kristoffer Martin at Joyce Ching

Halloween presentation ang drama series na Hahamakin Ang Lahat.

Magsisimula ito sa Oktubre 31 (Lunes) nang hapon sa GMA 7.

Istorya ito ni Rachel Tan Ke (Joyce Ching), na tinakasan ng BF na si Santi Valderama (Bruno Gabriel) matapos siyang mabuntis.

Maiinlab kay ­Rachel si Junjun Labsat ­(Kristoffer Martin)

***

Iyong puwesto ng ­nasunog na Ozone ­Disco ay tinayuan ng 23/7 ­restaurant.

May mag-aalay kaya ng mga bulaklak at kandila roon sa pagsapit ng Undas?

***

Sa November 9 sabay na ipapalabas ang ­Kusina tampok si Judy Ann Santos at Area ni Ai Ai de las Alas.

Pokpok vs Kusinera ang magaganap!

***

Nagbunyi ang Tang­law Diva sa paghihiwalay ng KimXi tandem.

Ayon sa kanyang mga ka-Tanglaw, puwede nang subukan kung tatayo si Xian mag-isa.

Tatayuan nga ba siya Alwyn?

Naku, sana eh ‘wag maging Steven Silva si Xian Lim, or else, part na rin siya of the Bantilawan Boys. Hayyyyyy.

***

Hindi masyadong nabiyayaan ng itsura at tindig-artista kahit may sikat na sikat na ama si Iñigo Pascual.

Sana, maging mahusay siyang singer-performer.

Kasi, parang hindi talaga pan-TV o movies ang dating niya.

One Response