Mark, Iza, Noel, Hidilyn at Chris
Mark, Iza, Noel, Hidilyn at Chris

HAVEY: Masaya ang 1st anniversary ng aming libro na Sisikat Din Ako na ginanap sa 37th Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Mall Of Asia Complex.

Kasama ang aking nga kapatid sa panulat na sina Arnel Ramos, Ricky Calderon at ang nangabog na Tanglaw Diva na si Alwyn Ignacio, nagkaroon kami ng maikling panayam ukol sa basehan ng kasikatan at pagiging matagumpay sa anumang larangan na ating papasukan.

Panauhin sa forum sina Chris Tiu, Iza Calzado, Mark Bautista at Hidilyn Diaz.

Nagbigay ng mahusay na musical numbers si Edgar Allan Guzman at ang all-female vocal group na Baihana.

Maganda ang takbo ng open forum at nagtanong ang mga audience kung anu-ano ang mga hirap na pinagdaanan ng guests sa kanilang pagsikat, at ang mga paraan para manatiling maka­tuturan at relevant.

Pinag-usapan din kung paano nila hinaharap ang bashers lalo na sa social media. At ang pagkadismaya sa pulitika sa kahit anong larangan.

Ang KEY WORDS sa ating SISIKAT DIN AKO forum at event — DISCERNMENT & ANALYSIS.

Maging MAPAGMATIYAG at MAPANURI. Sa gitna ng ingay at kaguluhan sa social media, roon tayo sa TAMA at TOTOO. Sa MAHUSAY at MABUTI. SIKAT man o hindi!

Magiging taunan na ang ganitong forum sa Manila International Book Fair.

Bago natapos ang event, nagkaroon ng random voting kung sino ang pinakasikat na loveteam ngayon.

Last year kasi, nang gawin namin ang libro, ang ALDUB ang pinakaSIKAT. Sino naman ngayon?

According to the Manila International Book Fair 2016 crowd, the pinakaSIKAT ay ang James Reid-Nadine Lustre­ JADINE tandem.

Runner up ang KATHNIEL. Pumangatlo ang ALDUB. Pang-apat ang LIZQUEN.

Pero katulad ng sinabi sa paglalagom ng forum, hayaan nating ang KAHUSAYAN at KABUTIHAN ang magdala sa atin sa KASIKATAN. Para mas may saysay ito.

Salamat sa lahat ng mga pumunta. Hanggang sa susunod na BOOKFAIR!

5 Responses

  1. hahaha!! e2 nmn Mr. Ferrer nde ko alam kung san mo nakuha ang ranking ng LV’s pero dahil crowd ang pinagbasehan n probably jadine at kathniel fans ang pinaka present s nasabing event walang kwent ka tlga….kung ako syo magsulat k nlng s mga alaga mo para nmn mapasin kahit papano…c IZA matatapos n ang 2016 ayun walang paring project hahahaha!!