KINILIG at na-excite ako sa Till I Met You trailer!
Bongga ang glory that was Greece na ginamit na location shoot.
Mas bonggang-bongga ang bromance na kitang-kita at dama mo agad na parang totoong namamagitan kina James Reid at JC Santos.
Kung ang bromance eh magiging of The Lover proportions, ‘yun ang mas kaabang-abang.
At yes, hindi nagpapakabog sa charm at acting department si Nadine Lustre na tila odd angle of this forthcoming bizarre last triangle.
Sa trailer pa lang, winner na winner na, how much more pag buong drama na ang ipinalabas.
Iba talaga pag ang mga bida ay nagpakatotoo.
Pak na pak! Ganern na ganern!