SISIMULAN ang selebrasyon ng JaDine World Day sa ASAP sa pagbisita ng Till I Met You stars na sina James Reid & Nadine Lustre ngayong Linggo.
Bukod sa kilig na hatid ng Team Real ay pagpupugayan sa “ASAPinoy” ang musika ni Jim Paredes.
Pangungunahan ito ni Tribute Master Gary Valenciano kasama ang OPM icons na sina Buboy Garovillo, Mitch Valdez & Nanette Inventor, at Kapamilya performers na sina Piolo Pascual, Kean Cipriano, Bradley Holmes, Richard Poon, Sitti, Nina, Kyle, Edray & Vina Morales.
Isang patikim sa tamis pag-ibig mula sa Barcelona ang handog nina Daniel Padilla & Kathryn Bernardo para sa kanilang nalalapit na pelikulang Barcelona: A Love Untold.
***
Hindi na si Piolo Pascual ang kamukha ni Joem Bascon kundi si Peejay Endrinal na anak ng ABS-CBN TV executive Deo Endrinal.
Bagay silang maging magkapatid sa John Lloyd movie kasama si Jennylyn Mercado.
Kitang-kita rin ang pagkakahawig nito sa poster ng bagong pelikula ni Joem with Luis Alandy & Nathalie Hart na Siphayo.
***
Uso pa rin pala ang magdamagang taping.
Akala namin ay strictly enforced na ng networks ang regulated number of taping hours lalo na sa mga teleserye.
Pero bakit meron pa ring umaabot sa madaling araw at putok araw ang taping?
***
Magwawakas na ang GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.
Ito ang first primetime series ng bagong Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo.
Dahil sa show na ito ay nagkaroon si Kim ng mga bagong kaibigan, kabilang ang lead actress ng serye na si Heart Evangelista-Escudero.
“Isa siya sa mga napaka-down to earth na artistang nakatrabaho ko, super-kalog kaya masarap siya kaeksena at katrabaho,” sey ni Kim.
***
Nauna ang GMA sa lahat ng TV network sa bansa sa pag-“portalize” o pagsasama-sama sa iisang portal ang lahat ng website ng iba’t ibang sangay nito tulad ng entertainment, news, international, films at kung anu-ano pa.
Mistulang one stop shop ang GMA Network Portal dahil dito na matatagpuan ang lahat ng updates at impormasyon tungkol sa inyong paboritong Kapuso personalities, shows, events, atbp.
Nitong Hulyo, nasa 202 million ang page views ng GMA portal, na mas mataas sa naitala ng ibang local website sa bansa.