Nanganganib ang career ng JYJ member na si Kim Jaejoong dahil sa ginawang April Fool’s Day joke.
Nag-post kasi siya sa kanyang Instagram account na nasa hospital ito at positibo raw sa COVID-19.
Natural, maraming nag-alala para sa kanya. Although, may ilan din naman na naisip agad na baka nga nagdyo-joke lang ito.
Pero hindi maganda ang epekto nito sa mga netizen .Dahil dito, mabilis siyang humingi ng paumanhin.
Sinabi rin Kim na kaya niya naisipang mag-joke para mas maging aware pa ang tao sa COVID-19. Kahit daw ang ama niya ay isa rin lung cancer patient na nag-undergo ng surgery kamakailan lang.
Gayunpaman, ang daming na-turn-off kay Kim Jaejoong, lalo na nga ngayon na halos lahat ay nakikipaglaban sa COVID-19.
May mga nagsasabi rin na kahit dalawang beses na itong naglabas ng apology statement , hindi raw ito makitaan ng sincerity.
Anyway, nag-donate rin si Jaejoong sa non-profit organization na Japan Heart ng mga mask para sa mga medical professionals/frontliners sa Japan.
Nagbigay rin siya ng 30 million won sa Hope Bridge Foundation ng Korea.
Pero sa kabila ng lahat , patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga negatibong komento .
Ang The Central Defense Response Headquarters sa Korea ay nagpahayag din na dapat daw bigyan ng punishment si Jaejoong dahil sa April Fool’s joke niya sa COVID-19.
Subalit nahirapan silang hanapan ng puwedeng iparusa sa kanya kaya sinabihan na lang na mag-reflect sa kanyang ginawa.