Patay ang isang jail guard sa naganap na drug-bust sa Basey, Samar, Sabado ng tanghali.
Kinilala ni Chief Insp. Bella Rentuaya, spokesperson ng Eastern Visayas Police Regional Office, ang napatay na si Artistotle Fernandez, 43, nakatalaga sa sub-provincial jail sa Basey.
Si Fernandez ay napatay ng mga pulis nang manlaban ito sa buy-bust operation sa Barangay Buscada bandang alas-10:45 ng umaga.
Napag-alaman na si Fernandez ay kabilang sa listahan ng mga high-value target ng Samar Police Provincial Office at matagal nang minamanmanan bago naganap ang engkuwentro.