Jairus ayaw madamay sa Alexa-Nash-Sharlene giyera

Naging malaking pasabog ang rebelasyon ni Alexa Ilacad na noong “Goin’ Bulilit” days ay madalas na binu-bully sila pareho ni Jairus Aquino nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Katunayan sa feud between Nash at Alexa, lumabas ang umano’y dahilan kung bakit ayaw nang makatrabaho ng young actress ang ex.

Sey naman ni Jairus, ayaw na niyang gatungan pa kung anuman ang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga dating kasamahan niya sa “Luv U”.

Tumanggi rin siyang patotohanan ang alegasyon ni Alexa ukol sa pambu-bully sa kanila ng NashLene.

“Alam niyo kasi kung maglalabas ako ng sarili kong istorya, may kanya-kanya pa rin kayong paniniwalaan eh, ‘yung mga tao, so kung maglalabas pa po ako ng istorya lalo pang magkakagulo so hindi na lang,” aniya.

“Kung ano ‘yung kaya nilang paniwalaan, kung si Alexa meron siyang pinaniniwalaan, may pinaniniwalaan din ako, may pinaniniwalaan ‘yung dalawa sa kabilang panig, okay lang,” dagdag niya.

Wala rin daw siyang kinakampihan sa dalawang kampo dahil by nature raw ay peace-loving siya.

“Ako wala naman po akong masamang tinapay simula’t sapol eh, ayaw ko na pong magsalita, ‘yun na lang po ‘yun,” pagtatapos niya. (Archie Liao)