Nagdagdag pa ng armas ang Foton Pilipinas sa pagtapik sa serbisyo ni Dindin Santiago-Manabat para isahog sa Tornadoes.
Reunited si Dindin sa kanyang kapatid na si 6-foot-5 Jaja Santiago.
Tumatayog ding 6-foot-2 ang middle blocker na si Dindin, dating top pick overall sa draft at mahalagang piyesa sa team ng Petron na sumikwat ng titulo ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix at sa makasaysayang 13-0 sweep ng 2015 PSL All-Filipino.
Lumiban si Dindin sa katatapos na PSL All-Filipino Conference dahil nabuntis at nanganak ng sanggol na babae noong isang buwan.
“Dindin would be a big boost to our title defense,” ani Foton president Rommel Sytin, nasa sidelines nang kapusin ang Tornadoes sa F2 Logistics sa finals ng 2016 PSL All-Filipino noong Miyerkules.
“With her and Jaja at the net, our defense will greatly improve. We want to bring her in for the Grand Prix, but it still depends on how fast her body recovers after giving birth last month.”