Nagsabwatan sina Jaja Santiago at imports Sara Klisura at Dragana Perunicnic para buhatin ang defending champion Foton sa 25-16, 25-11, 25-16 dominasyon sa Sta. Lucia Realty.

Sa dayo ng Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa La Salle Lipa Sentrum sa Lipa City, Batangas nitong Sabado, nakabawi ang Tornadoes mula sa pagkatisod sa Petron noong huling laro.

Nag-deliver si Santiago ng 11 kills, two aces at block tungo sa 14 points, may 17 at 14 sina Klisura at Perunicnic para sa Foton, nilampaso ang Lady Realtors sa attack zone 42-24.

Inakbayan ng Tornadoes ang Blaze Spikers sa 5-1, naggitgitan sa second spot ng torneo na hatid ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Island Rose, Cloudfone at UCPB Gen.

“Of course we’re happy because everybody delivered,” anang 6-foot-6 na si Santiago. “We’re glad that we were able to properly execute the things we did in practice.”

Tanging ang 15 attacks mula kay Ukranian Bodhana Anisova ang nagpanatili sa laro sa Sta. Lucia, sadsad sa pang-apat na pagkakataon sa limang salang.