Habang panay ang kampanya sa social media ng VanBie fans nina Ivan Dorschner at Barbie Forteza ng solo movie para sa dalawa (hindi raw type ng karamihan sa kanila ang triangle movie with Ken Chan dahil obvious daw na sa ending ay sa kakumpetensiya ni Ivan mapupunta si Barbie), tahimik ang fans ng loveteam nina Jak Roberto at Barbie.
Hindi na nag-iingay ang fans ng loveteam nina Jak at Barbie dahil in real life ay ang idolo nilang aktor na kilala sa pagkakaroon ng magandang abs ang winner na sa puso ng young actress.
Ang tsika, sobrang in love sina Jak at Barbie sa isa’t isa.
But of course, kung kilala n’yo ang ugali ni Barbie (kahit bungisngis pa siya), alam n’yo na na behaved sila pareho ni Jak, ‘noh?!
Anyway, inaabangan ng fans ang susunod na series ni Barbie sa GMA 7.
Nagtatalo-talo ang fans ng iba’t ibang loveteams ng dalaga kung sino ba ang dapat na maging leading man niya roon.
***
PATAPOS na ang shooting ng pelikulang You With Me na pinagbibidahan ng PBB alumna na si Devon Seron kapareha ang dalawang Korean actors na sina Hyun Woo at Jin Joo Hyung.
Matagal din silang nag-shooting sa Korea kasama si Tonton Gutierrez.
Last week ay dumating ang Korean actors and production staff dito sa ‘Pinas para kunan ang ibang mga eksena rito.
Ang alam namin, noong Lunes nag-last shooting day ang Korean actors na kasama sa pelikula at kahapon sila bumalik ng Korea.
Noong Biyernes ay aksidenteng nakita namin sila sa isang Filipino restaurant sa Quezon City.
Sobrang bait nina Hyun at Jin nang ipakilala sila sa amin ng line producer ng pelikula na si Ms. Shine Ricafort na misis ng direktor nilang si Rommel Ricafort.
Simpleng-simple ang dalawang Korean actors at wala silang bodyguard.
Noong nag-shooting sila sa may Makati City last weekend, habang hindi sila kinukunan, nagpunta muna sila sa isang coffee shop at doon naghintay.
Tahimik sila sa set at hindi paimportante.
Sabi sa amin ng co-producer ng pelikula na si Ma’am Tess Cancio, bilib siya sa disiplina ng Korean actors na kasama sa You With Me.
Sa Setyembre raw ipapalabas ang You With Me, kaya tiyak daw na babalik sina Hyun at Jin para mag-promote ng nasabing pelikula.