Pinag-uusapan ang epic prank na ginawa ng Kapuso actor na si Jak Roberto sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

Sa panggu-gudtaym din sa kanya ng nobyo, nakunan ang reaksyon ni Barbie.

Sa nasabing video, hindi humingi ng permiso si Jak sa dyowa na pagsakay ng motorsiklo at magmaneho nang walang safety gear.

Dahil dito, sobrang ninerbyos ang aktres, dahilan para maiyak ito.

Gayunpaman, naimbudo ito kay Jak nang madiskubre nitong bahagi ang lahat ng prank.

Sey pa ni Barbie, alam na niya sa simula pa na pinaglalaruan na siya ni Jak nang makita nitong kinukunan ng video ang kanyang emotional reaction sa mga pangyayari.

Pagdadabog niya kay Jak: “Pagbati mo sa akin sa basement kanina nakita ko nang nagrerecord ka eh. Ikaw na-prank ko, nanggigigil ako sa ‘yo.” (Archie Liao)