Jake, ‘di kailangan ang visitation rights

Ellie at Jake Ejercito

HANGGANG sa sinusulat namin ito kagabi ay wala pang sagot si Jake Ejercito nang hingan namin ito ng reaksyon sa pasabog na rebelasyon ni Max Eigenmann na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Kapatid sa ama ni Andi si Max, na younger sister ni Gabby Eigenmann.

Kaswal ang rebelasyon ni Max sa podcast ni DJ Mo Twister nu’ng Huwebes nang gabi.

Sa pag-uusap nila ni Mo ay binanggit ni Max na si Jake ang tunay na ama ng pamangkin niya kay Andi na si Ellie.

“They did a test. He’s the dad. They’re (Jake & Andi) co-parenting. That’s why he always posts photos of my niece,” sambit ni Max.

Dinagdag pa ng daughter ng nasirang aktor na si Mark Gil (kay Bing Pimentel) na hindi na kaila­ngan ng visitation rights ni Jake dahil nakikita nito si Ellie anumang oras na gusto nito.

Ellie at Jake Ejercito
Ellie at Jake Ejercito

Kaswal ding kinumpirma ni Max na one year na ang relasyon ni Andi sa isang surfer.
Turning 5 years old si Ellie sa November 23.

Nang mabuntis si Andi nu’ng 2011 ay karela­syon nito si Jake, pero ang sinasabing ama ng bata ay ang ex-BF ni Andi na si Albie Casiño, na itinanggi­ ni Albie.

Magkaibigan na ngayon sina Andi at Albie.

Sina Jake at Andi, last month lang ay nagkaroon ng mainit na Twitter war kung saan tinawag na ­‘relevant sham’ ni Jake si Andi, na bumuwelta at tinawag si Jake na ‘talentless guy.’

As of kahapon ay wala pang reaksyon pareho sina Andi at Jake sa social media hinggil sa explosive revelation ng half-sister ni Andi.

Wala ring sagot sa amin si Jake.