SI Jake Ejercito – hindi si Albie Casiño – ang nakabuntis kay Andi Eigenmann!

Ito ang makabagsak-panga na pagbubunyag ni Max Eigenmann sa isang podcast ni Boy Bansot Mo Twister.

Sa nasabing podcast, tinanong ni Mo si Max kung ano ang opinyon niya tungkol sa giyera-patani nina Jake at Andi sa Twitter.

Half-sisters sina Andi at Max.

Ang chika ni Max, “It doesn’t bother me, whatever. They’re always like that. You know he (pertaining to Jake) is the father of my niece, right?”

Nag-react si Mo with a clarifactory statement na hindi si Jake ang biological father ni Ellie.
Ang mabilis na rebuttal ni Max, “No, he is. They did a test… Yeah, he’s the dad.”

Albie Casiño
Albie Casiño

Dagdag ni Max, “Andi and Jake are co-parenting that’s why he always posts photos of my niece.”

KA-BOOM!

Sa big reveal na ito ni Max, ano kaya ang official reaksyon ni Andi?

Eh si Jake, ang supposedly co-parent, babasagin na rin kaya ang katahimikan at aamin na, “Yes, I am Ellie’s papa!”

Ano rin kaya ang masasabi pa, or may sasabihin pa ba si Albie Casiño tungkol dito?
Vindicated si Albie, kung totoo ang payanig ni Max!

Ang pambansang aktres na si Jaclyn­­ Jose, kurutin niya kaya sa si­ngit si Max or may speech na lang ito delivered in monotone soon?
At may masasabi pa ba rito ang parents­ ni Jake na sina Erap at Laarni Enriquez?

Sa madlang pipol, may care pa ba kayo sa chikang ito or sure na sure na rin kayo na, “Matagal na na­ming alam ‘yan, ‘noh?!”