
NAG-AABANG pa rin ang showbiz kung kailan aaminin nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ang ibinuking ni Max Eigenmann na si Jake ang totoong ama ng anak ni Andi na si Ellie.
At this point, parang there’s nothing left to do for Andi and Jake but to admit it.
Hindi katanggap-tanggap na mag-deny pa sila matapos ang limang taon na naging malaking kuwestyon kung sinong biological father ni Ellie, na ang itinuro noon ni Andi ay si Albie Casiño.
‘Pinasakay’ nila ang publiko gayong alam na pala nila ang totoo!
Parang nabunutan ng tinik at nakahinga nang maluwag si Albie sa rebelasyon ng half-sister ni Andi.
Marami ang curious na malaman kung kailan naganap ang DNA test kung saan lumabas sa resulta na si Jake ang ama.
Bakit dati ay sinabi ni Andi na si Albie ang ama? ‘Yun ba talaga ang paniniwala niya o all this time ay pinagtatakpan niya lang si Jake?
At si Jake naman, nung matuklasan niyang siya pala talaga ang ama, bakit hindi niya ito inamin at ikinorek ‘yung maling paniniwala na si Albie ang ama ni Ellie?
Anong usapan meron sa pagitan nina Andi at Jake na patuloy nila itong itinatago at ibang tao pa ang nagbunyag nito?

Nang makapanayam namin noon si Jake sa London noong kainitan ng buntis issue ni Andi ay sinabi niyang imposibleng siya ang ama dahil kung bibilangin aniya ang mga buwan ay nasa London siya at nag-aaral nang mabuntis si Andi.
Napansin namin na nitong mga huling interbyu namin kay Jake ay wala na siyang direktang pagtanggi na siya ang tunay na ama ni Ellie, iniiwasan lang niya ang isyu at panay ang sabing eversince ay parang anak ang turing niya kay Ellie.
Si Andi ay may mga pahaging at pahiwatig na parang ini-imply na si Jake ang real father ni Ellie, pero never niya pang inamin nang hayagan ang tungkol dito.
Dahil kaya naisip niyang baka hindi siya matanggap ng pamilya ni Jake?
Sa tapang at pagiging palaban na ‘yon ni Andi, natakot siya at naduwag na ibulalas ang katotohanan tungkol sa kanyang sariling anak?!
***

Biglang napunta kay Albie Casiño ang simpatiya ng publiko matapos ang rebelasyon ng kapatid sa ama ni Andi Eigenmann na si Max Eigenmann.
Para sa iba ay lumalabas na BIKTIMA si Albie na hinusgahan noon at pinalabas na masamang ama at ex-boyfriend dahil sa mga akusasyon ni Andi.
Naranasan pa niyang mabugbog noon nang makaengkuwentro niya si Andi at pagtulungan siya ng mga kaibigan nito.
Kaya ngayon ay may mga nagde-demand ng apology para kay Albie, na limang taon ding nakaladkad ang pangalan sa kontrobersiyang ito.
Very promising ang career ng 18-anyos na si Albie noong 2011, pero nadiskaril ‘yon at nawalan ng direksyon dahil sa pagkakadawit niya sa pagbubuntis ni Andi.
Nag-trending si Albie nang pumutok last week ang juicy pasabog ni Max.
Ang daming nagkomento ng, “Andi and Jake owe Albie a damn good apology!”
May humirit pa ng, “Tindi ni Jake Ejercito, ‘no?! He let Albie Casiño be the fall guy, insulted the mother of his child repeatedly, and denied his kid. YUCKS!!”
May bumanat din ng, “Shame on Andi for the public crucifixion of Albie Casiño and not setting the record straight!”
Sabi pa ng affected fans, “I felt so sorry for Albie Casiño. He had the most promising career after Mara Clara. He suffered a lot! Tsk tsk!”
Kamakailan lang nakabawi ulit si Albie dahil sa magandang role niya sa JaDine teleserye na OTWOL.
Ang medyo nakakalerky pa, may ibang KathNiel fans na nakiki-involve sa isyu.
Sey nila, kung hindi nawala sa showbiz dati si Albie ay wala dapat KathNiel loveteam!
Ang ganda ng showbiz career ni Albie 5 years ago.
After nilang magtambal ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara ay magkapareha ulit dapat sila sa Growing Up, pero pumutok ang Andi issue at kinailangang hanapan ng bagong partner si Kath… doon umentra si Daniel Padilla, and the rest is showbiz history!!
MALANDI KC TONG ANDENG NA TO EH….
tsk tsk tsk.. biktima talaga nila si albie dito, kapal ng mukha ni jake dahil hinayaan niyang mapagtakpan ang reputasyon niya in the expense of albie.. sarap pag untugin nung dalawang malib0g na yan
oo nga, ge j@ntut pa… jeje