Jake ,Kylie naka-underwear sa shooting

NI: ARCHIE LIAO

Malaking hamon para sa showbiz couple na sina Jake Cuenca at Kylie Versoza ang kanilang bagong iWant movie .

Anila, first time raw nilang ma-encounter ang ganitong klaseng concept dahil nag-shoot sila sa loob mismo ng kanilang bahay during lockdown at ABS-CBN shutdown.

Ani Jake, kakaiba raw ang proseso dahil siya mismo ang nagsilbing cameraman nilang dalawa ni Kylie using his mobile phone.

Hindi rin daw siya naasiwang pareho lang silang naka-underwear habang kinukunan ang kanilang mga eksena.

Ayon naman sa dating beauty queen, nanibago raw siya noong una sa concept kung paano kinunan ito.

Naniniwala rin siyang magse-set ito ng precedent o new normal pagdating sa filmmaking.

Hirit naman ni Jake, sobrang bilib siya sa creative team ng Dreamscape for coming up with such an innovative concept.

Na-realize raw niya na bilang artist, napakarami pa pala niyang puwedeng i-explore even during the time of COVID-19.

Thankful naman si Kylie dahil inalagaan siya ng kanyang boyfie sa bago nilang proyekto kaya nakasabay siya sa mga eksena nilang dalawa.