JAKE, NABALIAN NG 2 BUTO

Jake Cuenca

WALEY: ­Dahil sa training sa ­pagsali niya sa ­darating na Ironman, ­halos araw-araw raw na nagte-train si Jake Cuenca sa triathlon.

Ngunit 8:30 AM kahapon ay nakatanggap ng abiso ang ­tatay ni Jake na si Mr. Juanto Cuenca na naaksidente ang anak.

7:00 AM daw ­kasi ay nasa MOA si Jake in his bike, tapos may nagpreno na malaking truck. He had no time to break, tinamaan niya ang truck.

Isinugod si Jake ng driver niya sa emergency room ng Medical City.

Na-trauma raw si Jake and he had two broken bones sa kamay at stitches sa mukha.

Sabi ng tatay ni Jake, ang anak niya eh “conscious ­naman pero he’s in pain.”

Nang tanungin ang tatay ni Jake kung bakit ginagawa ito ng kanyang anak, ang sabi ni Sir Juanto, “Jake is very fit, he is up at 4:00 AM really early for training.

“He wanted to beat his personal time, biking 500 kms everyday, now on a different level. That’s where he finds happiness, probably his way of getting out of his stressful life.”

Napag-alaman naming usually sa Nuvali o Subic ay safe si Jake. Pero sabi ng tatay niya, iba sa MOA “because there, people don’t follow and stop at the stoplight.

“Sa malas lang kanina, tinamaan siya ng truck,” sabi ni Sir Juanto.

“He didn’t have time to make a break. Actually of late, dismayado pa ang anak ko because of his personal time, he has set his mind to doing well in the Ironman competition.

“Now he knows that it has its own consequences; unfortunately, this is the price he has to pay.

“He just has to be more careful next time. Thank you for all your concern,” pagtatapos ng mabait na tatay ni Jake na sinabi niyang nahilig sa pagta-triathlon 6-8 months ago.

Mapapanood si Jake sa bagong teleserye with Kim Chiu at Gerald ­Anderson na Ikaw Lang Ang ­Iibigin at sa isang Cinemalaya ­entry this August.

Na-discharge na si Jake sa hospital but he is scheduled to ­undergo surgery on the two ­broken bones on his hand ­ngayong Biyernes.

Mark at Winwyn, galit-bati!  Rainier, mauunang magpakasal!

Wynwin Marquez
Wynwin Marquez

HAVEY: Mistulang reunion ng Starstruck grand winner Mark Herras at runner up Rainier Castillo ang binuksan nilang gym business kamakailan.

Kasosyo nila rito si Lucky Mercado at ilang kaibigan from way back.

Muscle Up Parkour Gym and Urban Training Ground ang tawag nila sa kanilang bagong business.

Meron silang ­parkour, circuit gym, ­boxing, muay thai, kettle bell classes, cali classes and combat circuit.

Fully operational na ang gym at almost everyday ay nandu’n sila nang 4:00 PM at nakikisabay sa pag-eensayo with the students.

Dahil celebrity business, added value ang pagpapa-selfie ng mga nagte-train sa celebrities sa 143 Maginhawa St, ­Sikatuna Village, QC.

Magandang investment kasi ito at alternative sa kanilang ­showbiz career lalo na kung in ­between assignments ­sila tulad ngayon.

Nang tanungin ko kung sino sa kanilang tatlo ang sa tingin nila ang mauunang lumagay sa tahimik at magpaka­sal, ang sabi ni Lucky sa akin, “Baka ako, sir, joke lang. Hehehe.

Hindi, kailangan ko pang kumayod.

“Feeling ko, si Buboy (Rainier) po. Medyo may pinagdadaanan na ­naman yata si Mark, eh. Galit bati po kasi sila ni Winwyn. Hahaha!”