BABALIK na sa Singapore si Jake Ejercito dahil sa August ay matatapos na ang pag-aaral niya.
Dito na raw siya after August at gusto niyang mag-focus sa kanyang anak at sa pagtulong sa mga negosyong nasimulan ng mommy niya.
Marami ang nagtatanong kung papasukin na ni Jake ang showbiz dahil umaarte-arte ito.
Ang latest eh ang isang episode ng Lenten special ng Eat Bulaga.
Aminado ang binata ni Mayor Erap at Laarni Enriquez na hindi pa siya puwedeng isalang sa pag-aartista. Marami pa siyang kailangang pag-aralan.
Nagulat si Jake nang nabanggit namin sa kanya na siya ang unang ikinonsidera na i-partner kay Jennylyn Mercado sa My Love From The Star.
Pero tumanggi ang mommy niya na si Laarni Enriquez dahil nag-aaral pa ang binata.
Hindi pa raw maisip ni Jake na mag-aartista siya.
“I don’t wanna do it half-baked, eh. If ever na papasukin ko siya, I really wanna work on it.
“Sa mga nakapanood naman sa Lenten special, obvious na marami pang kulang,” pahayag nito nang nakatsikahan namin sa birthday party ng daddy niya.
Marami nang nagtanong sa kanya kung pag-aartista ba o pulitika ang papasukin niya.
Ayaw niyang magsalita nang tapos, pero sa ngayon ay parehong ayaw niya itong pasukin.
“If ever, business. I’ll have my mom running the family business, kailangan niya ng katulong, and my sister also,” pakli ni Jake.
Gusto rin niyang mag-focus kay Ellie dahil ang dami niyang na-miss at gusto niyang maging bahagi sa pagpapalaki sa kanyang anak.
Hindi raw siya naging bahagi ng unang tatlong taon ng anak niya, kaya gusto niyang bumawi.
“The first three years of Ellie’s life… Bakit nila ipagkait? Ang dami ko nang na-miss eh, her first step, mga ganu’n. Ang sakit nu’n for a dad,” dagdag niyang pahayag.
Gusto nang tapusin ni Jake ang palitan nila ni Andi Eigenman ng maanghang na salita sa social media.
Ongoing ang hearing ng Petition on Joint Custody sa bata kaya gusto na niyang manahimik.
Nagpadala na sa PEP ng statement ang abogado niyang si Atty. Ferdie Topacio.
Si Jake ay naglabas ng post sa Twitter at maaring ito na ang huli.
Ani Jake, “In spite of the slanderous claims made by some, I have relatively kept my peace since I filed the petition for joint custody of Ellie.
“But in recent days, Andi has been overgeneralising to the point of dragging my entire family into the issue.
“I now kindly request her to focus her tirades on me as I will not allow myself to be used as a publicity pawn against my family.
“Moreover, I will not let my family be incessantly used in someone’s apparent pursuit to play victim.
“My family and I have reached out to you numerous times and in countless of ways. Please stop making it seem otherwise and leave them out of this.
“Besides, this is about my rights as a father. Please stop making it about you.
“I hope this will be the last time I will feel the need to comment on anything related to the petition as I seek for its speedy resolution.
“Let us now have faith in our justice system and allow the case to take its proper course.”