Jake umalma tungkol sa anak

Jake umalma tungkol sa anak

Nag-react si Jake Ejercito sa article na lumabas sa isang online magazine tungkol sa kanya at sa anak niya kay Andi Eigenmann na si Ellie who turned 8 yesterday, Nov. 23.

Ang artikulo ay tungkol sa early birthday celebration ni Ellie na ginanap last Friday sa school nito base sa ipinost ni Jake sa kanyang Instagram account.

Makikita sa larawan na ipinost ni Jake ang naturang selebrasyon. Magkakasama sila nina Ellie at ina nitong si Andi, just one happy family. May larawan pang kasama rin nila ang bunsong anak ng aktres with current boyfriend, Philmar Alipayo na si Lilo.

Nag-react si Jake sa isang statement sa artikulo na “ever since Jake confirmed that he is Ellie’s biological father in 2016, he has always been present in the little girl’s birthday celebrations.”

Ipinost ni Jake sa kanyang Twitter account ang screenshot ng nasabing statement at ikinorek niya ito sa kanyang caption.

“I’ve been present even before her very first breath. This has been a stated and well known fact. Let’s not confuse people again for the sake of clickbaiting,” caption ni Jake and tagged the magazine’s account.

Mabilis namang gumawa ng aksyon ang magazine at ikinorek din nila ang artikulo and apologized for the mistake.

“We have corrected the story, Jake. Thank you for bringing this to our attention. We apologize for the erratum,” ang reply ng official account ng online magazine.

Pancho happy na maraming award si misis

Si Pancho Magno ang mas excited sa nomination ng kanyang asawang si Max Collins sa 37th Luna Awards. Nominated ang aktres as Best Supporting Actress for “Citizen Jake” at nakausap namin silang mag-asawa sa ginanap na Nominee’s Night ng naturang award-giving body.

Sey nga ng aktor, sobrang proud daw siya sa misis.

“Supportive husband,” natutuwang sambit ni Max.

“Ako, happy na ako na may asawa ako na maraming awards,” masayang wika pa ni Pancho.

Bilang lumaki rin sa industry dahil anak siya ng GMA-7 executive na si Redgie Magno, ani Pancho ay movie geek daw siya talaga noon pa.

“So, I know the directors, movies, I know the background doing the movie, editing and getting the right ensemble ng cast,” sey pa ni Pancho.

Sobrang gandang-ganda raw siya sa “Citizen Jake” pati na sa acting ng kanyang misis at para nga raw naging fan siya ni Max because of this.

“Sabi ko nga, grabe ‘tong movie na ‘to, ‘yung ‘Citizen Jake’, ‘yung pagka-political pero kung paano niya na-deliver ‘yung character, parang naging fan ako na parang hindi ko nakita siya (Max), alam mo ‘yun?” papuri pa ni Pancho sa asawa.

Matatandaang si Max din ang hinirang na Best Supporting Actress ng The EDDY’s para sa nasabing pelikula. Bukod dito ay katakot-takot din ang nominasyon niya para sa nasabing kategorya for the same movie sa mga award-giving bodies this year.

For the nth time, Max feels honored to be nominated again kasama ang magagaling ding aktres.

“Honored lang ako to be nominated alongside Miss Nova Villa, alongside Sunshine Dizon, Miss Aiko Melendez, so, siyempre, parang hindi ako makapaniwala pero thankful ako na naging part ako ng Luna Awards, my gosh!” bulalas pa ni Max.

Parang feeling nga raw niya ay nanalo na siya na makahilera ng mga co-nominees niya.

“Just the fact that I am in the same category with all of them makes me feel like a winner,” she said.

Alden namigay ng rosary bracelet sa parol maker

Matatandaang napigtas ang rosary bracelet ni Alden Richards na bigay ng isang fan sa kanya na 5 taon na niyang laging suot. Pero ibang klase ang Pambansang Bae dahil nawalan na nga siya ay namigay pa siya.

Nagbigay si Alden sa isang fan ng isang rosary bracelet na kahawig ng nawala sa kanya bilang birthday gift niya rito.

And masuwerteng nabiyayaan ni Alden ng rosary bracelet ay isang parol-maker na si Ponciano “Apon” Garcia mula sa Pampanga na may kapansanan pero sa kabila nito ay nagsisikap sa pamamagitan ng paggawa ng parol at pagbebenta nito.

Dinala ng staff ng GMA-7 show na “Tunay na Buhay” si Mang Apon sa taping ng “The Gift” dahil matagal na palang idolo nito ang Asia’s Multimedia Star.

Mainit na sinalubong ni Alden si Mang Apon at nakipagtsikahan siya rito. At maya-maya nga ay ibinigay na niya ang regalong rosary bracelet.

“Mahilig po kasi ako sa mga ganitong bracelet, eh. Bigay ko po sa inyo ‘tong bracelet na ‘to para lagi kayong may gabay,” sabi ni Alden kay Mang Apon na masayang-masaya na nakita na niya ang idolo at binigyan pa siya ng gift.