Jake Vargas at Inah de Belen, nagkakamabutihan na nga ba? 

Jake Vargas at Inah de Belen

NAGIGING ‘real’ na ba ang ‘reel’ relationship ng Oh, My Mama stars na sina Inah de Belen at Jake Vargas?

Balita kasi na madalas magkasama ang dalawa sa set na kahit na in-between takes ay kapansin-pansin pa rin ang closeness ng dalawa.

May mutual understanding na ba sila?

May meaning kaya ang pag-imbita ni Jake kay Inah sa kanyang concert recently at pagbunyag ni Gladys Reyes na nag-date once ang dalawa?

If ever na totoo ito, makuha kaya ni Jake ang approval ng parents ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada?

Samantala, pinakilig at pinasaya nina Inah, Jake at Je­ric Gonzales ang mga Kapusong Bicolano sa Sorsogon City para sa Kasanggayahan Festival noong Sabado.

Sweet na sweet sina Inah at Jake sa kanilang performance.

***

Masayang ibinahagi ni John Arcilla sa Instagram ang isang kakatwang laruan na kanyang natagpuan habang nasa Cavite. Natuwa siya nang makakita ng mga bata na naglalaro ng mga POG kung saan naka-print dito ang mukha ni Hagorn, ang karakter niya sa Encantadia.

“Hagorns are among the Pogs of these kids in Cavite. I remember playing this game when I was a kid and we called it TEX.

“It was then a rectangular card printed with DC and Marvel characters. Now, Filipino kids are enjoying our own cartoon or fantasy Icons. Amazing!” ani John sa caption.

Mini reunion ng Bubble Gang stars, aliw!

Nakakaaliw ang post  ni Michael V sa Instagram dahil sa mini-reunion nila ng kapwa Bubble Gang stars na sina Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Maureen Larrazabal, Diana Zubiri, Francine Prieto, Boy 2 Quizon at Antonio Aquitania.

Ani ng Kapuso comedy genius sa caption, “Great place and good company. Last night with the Bubble Gang 2K Batch. Remember us…?”

Magkakasama kaya sila sa 21st anniversary special ng Bubble Gang next month?

***

Good vibes ang hatid ni Paolo Contis sa comedy show na Bubble Gang every Friday.

May inspiras­yon siya rito. Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Alyas Robin Hood actor kung sino ang  mentor niya sa pagpasok sa mundo ng komedya.

“#MentorMonday para sa aking pinaka iniidolong komedyante!! Ikaw ang aking inspirasyon sa pagpapatawa… sana proud ka sa akin Papsy!!” saad ni Paolo sa caption, pertaining to the late comedian Babalu na nakasama niya sa dating sitcom na Oki Doki Doc.

***

Parang winner din si Joyce Ching dahil masaya siya sa pagkapanalo ng kanyang ka-loveteam at ex-boyfriend na si Kristoffer Martin bilang Best Single Performance by an Actor sa katatapos na PMPC Star Awards for TV.

Sa Instagram, sinabi ng batang aktres na proud siya sa nakamit ng aktor.

“With PMPC’s best actor in a single performance! Congratulations sa aking magiting na ex! Comment kayo, tulungan niyo ko i-convince siya na ilibre ako,” sulat ni Joyce sa kanyang caption.

Malapit nang mapanood ang balik-tambalan ng dalawa sa GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.

                                                                                                                               ***

After ng series na Because of You na minahal ng Kapuso viewers, may bagong dapat abangan sa Boss Yummy na si Gabby Concepcion.

Mapapanood si Gabby sa bagong Pinoy superhero comedy adventure series ng GMA 7 na Tsuperhero kasama sina Derrick Monasterio at Bea Binene this November.

Nilu-look forward niya ang project na ito, dahil gusto muna niyang mag-break sa paggawa ng heavy drama shows.

“Sana lahat ng pro­jects na gawin ko, puro ganito lang light. Like pampamilya lang para wala masyadong sigawan, iyakan, bugbugan.

“Kasi minsan nakakasawa na ‘yan ‘di ba, at saka mabigat sa dibdib.”