Usap-usapan ang post ni Jake Zyrus sa kanyang Instagram account. Kapansin-pansin na meron na siyang bigote with matching goatie o balbas.

Hindi pa naman makapal ang kanyang bigote pero kitang proud si Jake sa bago niyang look.

Hindi naman lingid sa lahat na todo effort si Charice Pempengco na maging isang tunay na lalaki. Balitang sumailalim pa siya umano sa pagpapatanggal ng suso at nagpapa-testosterone hormone therapy pa.

Gumawa pa siya ng isang libro titled “I Am Jake.” Dito’y ni-reveal niya ang unti-unti niyang pagpapaka-lalaki, kahit na against nga rito ang kanyang pamilya.

Happy naman ang kanyang mga follower sa recent post niya. May mga nag-comment na ang pogi niya.

Anyway, tila pahabol ito ni Jake bilang Pride Month nga­yong Hunyo. (Jun Lopez)