UMABOT sa P100M ang kita ng pelikulang 100 Tula Para Kay Stella.

100 Million Pesos Sa Takilya!

Naku, kung ang title ng movie nina Bela Padilla at JC Santos eh ginawang 200 Tula Para Kay Stella, umabot kaya iyon sa P200M?

***

Mababawi pa kaya ng isang ina ang kanyang anak matapos niya itong ipaampon?

Iyan ang kasong tututukan ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN

Dala ng kapusukan, nabuntis nang wala sa oras ang dalagang si Rona (Andi Eigenmann).

Handa itong panagutan ng live-in partner niyang si Nap (Jess Mendoza) kaya pinili nitong mangibang-bansa, ngunit nagkaproblema ito sa employer.

Lumala pa ang problema nila nang ma-stroke ang tatay ni Rona.

Dahil sa patung-patong na problema, nagsinungaling si Rona kay Nap at sinabing pinalaglag niya ang bata.

Pero ang totoo ay pinaampon niya ang kanilang anak sa DSWD.

Ano ang nag-udyok kay Rona para bawiin ang anak?

Tuluyan na ba siyang mawalan ng karapatan bilang ina?

***

jake-zyrus
Jake Zyrus

Sa likod ng kanyang paglalantad bilang transman at pagpapalit ng pangalan, paano ba nahanap ni Jake Zyrus ang kanyang tunay na pagkatao?

Mas kilalanin pa si Jake sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang life story ngayong Sabado (Agosto 26) sa MMK.

Walang ibang hinangad si Jake kung hindi tanggapin ng mga tao ang kanyang kasarian, lalo na ng kanyang ina (Dina Bonnevie).

Bata pa lamang siya, napansin na niyang mas madalas siyang nagkakagusto sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

Bagama’t aminado siya sa sarili niya na iba siya, pinilit pa rin niyang humarap sa publiko bilang babae.

Paano nagawa ni Jake na itago ang tunay na pagkatao?

Ano ang nag-udyok sa kanya na magpakatotoo at lumantad bilang si Jake Zyrus?

Wagas ang luha at pagdadrama ni Jake Zyrus sa episode na ito!

***

Ilulunsad ang Season 3 ng bikini open na Last Man Standing mamayang gabi sa One 690, Lot 39 Roces Av., QC.

Magpapasiklab dito ang Team Nguso ni Ro­nald Mendoza Cristobal.

‘Di ba, Genesis Gallios?