KUNG sino man ang e­pisode writers ng MMK kung saan itinanghal ang pagkabuhay ni Jake Zyrus, dapat silang pag­babatukan, kutusan, o pagpahingahin muna sa pagsusulat.

Bakit kanyo? Kahit pa sabihing straight from Charice Pempengco’s mouth ang kwento, wala pa rin sa hulog at hindi tama ang pagpapakita na ang nanay niyang si Raquel ay walang puso, literal na halimaw dahil sabi sa drama anthology, “It hurts to know that my mother is my number one basher!”

Paano nila dinurog ang pagka-nanay ni Raquel?

Ganito lang naman. Ipinakita sa Madam Charo Santos-Concio hosted show ang pananakit at pamimilit umano ni Raquel kay Charice para sumali sa mga singing contest.

Masasakit na salita ang naranasan daw ni Charice sa kanyang mommy dearest.

Noong naging international singing sensation na ang most talented girl in the world, winawaldas lamang daw ng ina ang perang ibi­nibigay ng anak.

May story arc pa na hindi raw nababayaran ang bill nila sa kuryente at ang buwis ng mga ari-arian nila.

Ang pinakatodong pandudurog kay Raquel, na hindi nito matanggap-tanggap ang pagiging tomboy ni Charice.

Ang mga tanong…

Ang pagsisiwalat ba ni Charice na napakasamang ina ni Raquel, ay makakatulong sa karera niya bilang Jake Zyrus?

Will she get the sympathy points and acceptance na gusto niyang makuha sa madlang pipol?

O dahil digital ang karma nowadays, at tila wala siyang pakia­lam sa commandment na “honor thy father and mother,” alam na alam na nating lahat na malapit na siyang i-welcome sa League of Extra Ordinary Has Beens.

***

Marami ang nagtatanong sa diva that you love kung bakit hindi “he” ang ginagamit ko kay Charice Pempengco.

Hindi ba inamin niya sa Tonight With Boy Abunda na ang Jake Zyrus ay part lang of her new branding, so why must I address her as a him?

Dapat siyang kumunsulta o makipag-usap sa isang mahusay na abogado para mabago legally ang kanyang gender assignment at pangalan.

Hindi mabilis na proseso ‘yun.

Sa pisikal niyang pagbabago from woman to man, nawa’y meron siyang doktor at psychologist na gumagabay sa kanya para tama ang mga gamot at hormone shots na ginagamit niya.

Emotionally, dapat she is being prepared dahil there is no turning back sa physical changes niya.

Will she get my support bilang Jake Zyrus?

Parang hindi importante ang support ko dahil sino ba ako compared sa fans niya at sa progressive members of the pink community na in awe at talagang rah-rah boys & girls sa pagbabagong-anyo niya?

Lagi kong sinasabi na we are in a democracy, may free will siya para gawin ang mga bagay-bagay na she thinks eh mas magiging panatag at maligaya siya.

***

Ang hindi ko gusto sa pangyayaring ito, ang katotohanan na she humiliated her mother on national television, sa isang programang super-top rating at popular.

Ang mga diwata at sirena, ang mga nanay namin, hindi lang nanay, kaibigan, karamay at kakampi sa lahat ng mga bagay.

Oo, may mga araw na nagkakasagutan, hindi nagpapansinan, walang kibuan pero hindi tumatagal, sandali lang dahil si nanay ang unang babati at habang nagtatanghalian o naghahapunan, balik na ulit sa dati.

Ang mga nanay, la­ging unconditional ang pagmamahal sa mga anak nila kaya dapat pagmamahal at respeto rin ang isusukli mo sa kanila.

Ang members of the Rosas Pandan community, ang paggalang, pang-unawa at pagmamahal sa mga nanay ay bukas na katotohanan.

Kaya if we see a person who hates her biolo­gical mother na akala mo ay ‘demonya’ na ito, lalo na’t she is also a lesbian transitioning herself to become a man, bakit mo susuportahan ito?

Charice, paano ka ba ginawa?

Kung hindi dahil kay Raquel, na sinasabing mong mahigpit, mapangmata at winaldas umano ang kinikita mo, sa tingin mo ba ay mararating mo ang kung ano man meron ka ngayon?

Napagtanto niyang may talento ka sa pagkanta, isinugal at isi­noga ka sa mga singing contest, na hindi mo pala gusto.

Sabi mo, magiging the most talented girl in the world ka ba kung ang nanay mo, hindi naging malakas ang loob para ikasa ka at lumaban sa buhay?

Kahit ano pa ang sabihin mo, nanay mo pa rin si Raquel.

Kung naging masama man siya sa pakiwari mo, tiyak na may malaking dahilan, may wisdom behind all the paghihigpit.

Sana, bago ginawa ni Charice ang mga ginagawa niya, inaral niya muna ang kasaysayan ng isang infamous person na pinatay si Rustom Padilla.

Nasaan na ba si BB Gandanghari?

Darating din kaya ang panahon na itatanong din natin kung nasaan na si Jake Zyrus?