Mga laro ngayon: (Ynares Center)
4:30pm — TNT vs Rain or Shine
6:45 pm — Alaska vs Ginebra
Nilimitahan ng Magnolia Hotshots sa anim na puntos lamang sa huling anim na minuto ng ikaapat na yugto ang Meralco Bolts upang malasap ang unang panalo 92-86 sa out-of-town game sa eliminasyon ng 2019 PBA Philippine Cup sa Cagayan De Oro.
Ratsada sa opensa si CDO pride Jio Jalalon na tumapos ng team-high 19 puntos, 9 rebounds, 4 assists at 1 steal, habang sumahog si Paul Lee ng 15 puntos, 6 rebounds at 1 assists.
Ibinagsak ng Hotsthots ang kabuuang 19-9 bomba sa unang anim na minuto ng ikaapat na yugto upang umahon sa 76-80 na pagkakaiwan bago nito nilimitahan sa anim na puntos lamang ang Bolts upang putulin ang tatlong sunod na kabiguan.
Huling nakaiskor ang Bolts sa ikaapat na yugto sa ika-6:51 minuto ng laro sa lay-up ni Baser Amer para sa 82-78 na kalamangan subalit hindi na ito muling nakaiskor sa sumunod na tatlong minuto upang mapag-iwanan sa 84-89, may 3:34 sa laro.
Nakapuntos ang Bolts sa ika-2:11 ng laro mula kay Nard John Pinto bago pinosasan ng Hotshots upang malasap ang ikatlong sunod na kabiguan at mahulog sa kabuuang 2 panalo at 5 talo.
Nag-ambag si Ian Sangalang ng 12 puntos, 16 rebounds, 1 assist, 1 steal at 2 blocks habang si Mark Barroca ay may 11 puntos, 2 rebounds at 4 assists para sa Magnolia.