Mas pinili ni 2021 top prospect Jalen Green na tumuntong sa pro kaysa mag-college.

Umakyat nga agad ito sa NBA, pero sa G League muna.

Si Green ang kauna-unahang player sa G League development program na ito kung saan inihahanda ang mga top prospect para sa NBA.

Maglalaro si Green sa bagong team sa G League na hindi parte ng NBA team.

Kikita ng higit $500K si Green ngunit hindi ito maglalaro ng buong season.

Ang layunin ng programa ay mag-develop ng mga player.

Ang G League ang target din ni Pinoy cager Kai Sotto.

Makikita ba natin ang Green-Sotto tandem?

***

Kahit na apektado ang NBA dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 o COVID-19, hindi ito naghadlang sa pagiging MVP ni Houston Rockets star Russell Westbrook.

Hindi lang puro workout ang ginagawa ngayon ni Westbrook.

Dahil sa pagsasara rin ng mga eskuwelahan, tumulong si Westbrook sa mga estudyante.

Nagbigay ng 650 laptop si Westbrook sa mga bata para kahit nasa bahay ay makapag-aral pa rin sila online.

Ang Why Not? Foundation ng 2017 NBA MVP ang nakipag-partner sa Comp-U Dopt na isang non-profit organization para matuloy ito.

Saludo ako sa iyo, Westbrook!

***

Kung kayo po ay may reaksiyon o nais itanong, mag-email lang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyno rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!