May ganitong payanig na post si James Reid, “She was my best friend before anything else,” at kasama nito ay dalawang larawan nila ni Nadine Lustre spending happier times together sa Paris at sa isang art gallery.

Pwede ba talaga na ang dating magkasintahan, pagkatapos ng much publicized and scrutinized relasyon, ang bilis-bilis na maging platonic. Casually hanging out and talking as if no break-up happened at all? Seen together by most people and wapakels sa mga opinion ng iba kasi nga they have a solid friendship to beging with?

Ano ito? Walang moment of awkwardness? Naka-rise above how they were feeling, hindi naging petty like the rest of childish young adults at pinatunayang they are so freaking mature and emotionally healthy kaya madali from them na from romantic and erotic lovers eh maging brother and sister and best friend ang emote?

How cosmopolitan and sophisticated naman of these two? Ang dami-daming showbiz couples before na naging mag-bestfriend muna bago naging magdyowa, yung iba nga ikinasal pa pero hindi parang instant mami, loli, pansit canton at three-in-one coffee na nagkasundo, nagkabati, nagsama sa iisang lugar at umarte na parang walang hiwalayang nangyari, huh.

Masarap palang maging bestfriend itong si Ginoong Reid, kasi pwede kayong ma-elevate sa mas masarap na masarap na pakikipagrelasyon tapos pag hiwalay na ang dekolor at puti niyo, chill and hang out pa rin kayo kasi nga friends forever na ang drama niyo.

Well, kung noon eh pinasikat ni Gabriel Garcia Marquez ang “Love In the Time of Cholera,” maaring itong sina James Reid at Nadine Lustre, ang gusto namang ipauso eh “Love In the Time of Corona Veerus,” hindi ba naman?

Hayaan na natin sila sa bestfriend tripping nila, huh!

Vice, Ion pangtanggal kaba ang harutan

Kahit pa pangmalakasan ang hanash, kana at kuda ng mga taga-showbizlandia na apektado dahil sa imposed community quarantine ng buong Metro Manila, wala na tayong magagawa dahil nga, ayon sa poon, para sa kapakanan at kaligtasan natin ito para makaiwas sa veerus.

Ayan ha, hindi ko ina-award ang poon. Ganyan niya bigkasin ang virus na dapat ay vy-rus ang pagbigkas pero dahil trip niya ang veerus, eh di veerus na rin ang gagamitin ko sa aking pitak, huh!

May pananalig ang diva that you love that our God and the Forces of the Universe are more powerful than this veerus kaya sa pinakamadaling panahon, alam kong may lunas at vaccine na matutuklasan para ito ay mapigilan at puksain and before we can say again, all together now, veerus, balik na ang lahat sa dati at happy fiesta na naman.

Ang isa sa nakakapag-happy vibes sa mas nakakarami na tunay namang pangtanggal kaba at ligalig sa kaganapang ating kinasasadlakan sa kasalukuyan ay ang harutan nina Queen Bayot Vice Ganda at ang kanyang sinisintang si Ion Perez.

Super post si Perez sa Twitter ng kanyang larawan na ang suot ay white pull-over, khaki pants at matchu-match sa kanyang upper garment ang kanyang rubber shoes. In fair Verona, kay kisig at kay tikas pagmasdan ni Ion.

Siyempre ang dyowang diwata, hindi nakapagpigil sa pagpuri sa minamahal: “pogi naman!”

Mas nakaka-auto kilig ang reaction ng hombreng sinasamba at sinisimsim: “Di naman. Sakto lang. Babagay sa yong ganda. Love you,” na may kalakip pang kinikilig na emoji at puso-pusuan.

Hindi ba, in this day and age na may paandar na dapat we must practice social distancing, parang ang hirap na hindi mag-antanda at punasan ng panyo si Jose Marie .

Ang ganitong mga exchange eh patotoo talaga na hindi lang may nagmamahal sa kanya, pwede na talaga siyang diyosa ng makabagong kagandahan, huh!

Sa mga basher at hater nila Vice at Ion na tiyak sangrekwa ang kuda at hanash dahil sa harutan nilang ito, sa panahon na in full blast ang veerus na iyan, bawas-bawasan ang pagiging inggitera, okay?

Robi mas sumasarap pag pawisan

Sa true lang, ang diva that you love, hindi makapaniwala na marami palang mga bakla ang may crush means pagnanasa para kay Robi Domingo. Hindi lang basta paghanga ha, talagang pangmalakasang pagnanasa sa binatang alta at sosyalin.

Ilang beses ko na ring nakita sa iba’t-ibang pink portals ang mga papuri kay Domingo partikular na sa boyish nitong pagmumukha, katawang pang-romansang saktong-sakto lang at mga kili-kili na parang ang may armpits fetish, eh gusto amuyin at singhot-singhutin ang body parts na ito ni Robi.

May isang bagong posting tungkol sa host na ang nakasaad ay “Pota! Lalong sumasarap si Robi pag pinagpapawisan” at ang saplot nito ay isang gray sando, nakapamewang, at kitang-kita nga naman ang kanyang pawis that made him glisten, glow at mas lalong naging guapo looking.

Si Robi pala yung hombre na kahit pawisan, parang hindi ka mandidiri. Kahit siya ay nanlalagkit, naglalapot at literal na oily ang face. Huggable na huggable pa rin siya, as I judge his picture na posted and shared online.

Ang ko lang kay Robi, kay swerte ng karelasyon niyang babae dahil palong-palo ang binatang sugar and spice and all that is nice. Huwag niya nga lang ipangalandakan na siya ang nagmamay-ari sa puso at puson ni Robi dahil may chance na forever is not enough ang pangraratrat sa kanya mula sa mga nai-elya kay Domingo.