James, Davis, Kuzma Astig na Big 3 ng Lakers

Key Players: Lebron James, Anthony Davis, Rajon Rondo, Danny Green, Kyle Kuzma, Dwight Howard, JaVale McGee, DeMarcus Cousins

Roster: Rajon Rondo, Alex Caruso, Marcus Allen, Demetrius Jackson, Jordan Caroline, Caldwell Pope, Avery Bradley, Troy Daniels, LeBron James, Kyle Kuzma, Jared Dudley, Malick Pope, Aric Holman, JaVale McGee

Key Additions: Anthony Davis, Kostas Antetokounmpo, Devontae Cacok (draft), Danny Green, DeMarcus Cousins, Talen Horton-Tucker (draft), Zach Norvell (undrafted), Quinn Cook, Dwight Howard

Coach: Frank Vogel

Rank: 10th in Western Conference

Record: 37-45

Bangungot ang tinapos ni 3-time National Basketball A Association champion Lebron James sa Los Angeles Lakers sa 73rd o 2018-19 season nitong Hunyo dahil nabali ang 13 consecutive straight playoffs appearance niya.

Kaya tiyak na aasintahin niyang makabalik at mabawi, asinta ang kampeonato ngayong 74th NBA 2019-2020 nitong Martes (Miyerkoles, Manila time).

Bukod sa hawak at alas ng Lakers si ‘King James’ may malaking sasandigan rin ang team mula kay newly acquired 6-time All-Star Anthony Davis mula sa trade sa New Orleans Pelicans.

Makokonsiderang si Anthony Davis na ang best player na makakasama ni Lebron sa kanyang karera dahil taglay ni Davis ang unique talent, skill set at pagiging athletic kaya natarget nito ang titulong league true unicorns.

Malaking puntos din sa Lakers ang pagkaka-trade ni Davis lalo na’t kargado ito ng mabigat na stats sa average na 25.9 points, 3.9 assists at 12 rebounds sa huling taon ng liga. Batang manlalaro rin si `Brow’ kaya mahuhulma pa, may puwersang ipagpatuloy ang pagiging dominante sa court at panindigang best player sa liga.

Isa pang sanib-puwersa si Demarcus Cousins mula sa trade ng Golden State Warriors bilang veteran scoring center na nagtala ng 24.8 PPG, 4.7 APG, at 12.7 RPG sa joint force nila ni Davis sa Pelicans.

Bitin pa man ngayon sa laro dahil sa natamong injury ay garantisadong magmamarka at big-time contender ang Lakers sa reinforcement ng mga veteran players sa court.

Ipoposte sa outside shooting si newly recruit Danny Green na kamakailan lamang ay nakabingwit ng sariwang kampeonato sa Toronto Raptors.

‘Big move’ ang pagsawsaw ni Green at galawan ngayon ng Lakers dahil unti-unti nang nare-rebuild ang koponan at ilang hakbang na lang ay senyales na ng pagpasok nilang muli sa winning track. (Aivan Episcope)