James hugas-kamay sa resignasyon ni Magic

James hugas-kamay sa resignasyon ni Magic

Sa unang pagkakataon, nagsalita si LeBron James tungkol sa biglaang resignation ni Magic Johnson bilang president of basketball operations ng Los Angeles Lakers.

Bago ang final game sa season ng Lakers noong isang buwan, nagpatawag ng biglaang news confe­rence si Magic para basagin ang pagbibitiw niya.

Hindi raw niya magawa ang mga gusto niya habang nasa dating posisyon.
“It was just weird for (Johnson) to just be like… ‘Nah, I’m out of here,’” ani James sa kanyang HBO show ‘The Shop’ nitong Sabado.

Noong July, nilayasan ni LeBron ang Cleveland Cavaliers para sa Lakers.
“And not even have, like: ‘Hey Bron… kiss my a**. I’m out of here.’ I would have been okay with that. Like: ‘Hey, ‘Bron, it’s Magic, kiss my a**, I’m gone’. It wasn’t even that.”

Nabulaga raw si James sa nangyari.
“What do you mean (stepped down)?” tanong daw noon ni James sa business partner niyang si Randy Mims nang matanggap ang balita. “Like, from out of his car? I’m like: ‘Man, get the f*** out of my face. You’re bulls******* me.”

Napagsarhan sa playoffs ang Lakers pagkatapos ng 37-45 record ng Lakers sapat para sa 10th place sa West, kasunod ‘nun ay sinibak si head coach Luke Walton.

Base sa mga naglalabasang ulat, posibleng kunin ng Lakers ang dating coach ni LeBron sa Cavs na si Tyronn Lue. (VE)