James, keribels magbuyangyang ng nota

James Blanco

HINDI kami nagulat nang sabihin ni James Blanco na nagbabalak silang mag-asawa na pumunta ng New Zealand dahil gusto nilang bumili ng farm doon.

Parang gusto nilang doon pag-aralin ang kanilang mga anak.

Nang magpunta ng New Zealand sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay sobrang nainlab sila sa nasabing bansa at parang gusto na nilang tumira roon.

Si Piolo Pascual ay balitang sa New Zealand gustong mag-shoot ng pelikulang gagawin nito sa Regal na co-prod with Star Cinema.

May kakaibang pang­halina ang NZ, na mas sumikat dahil sa Lord of the Rings film franchise na dinirek doon ng sikat na Kiwi director na si Peter Jackson.

Tumira sa New Zealand ang non-showbiz wife ni James na si Tania Creighton-Castillo kaya alam nito kung paano ang mamuhay roon.

Tatlo na ang anak nila, na parang balak nilang doon pag-aralin dahil bukod sa maganda ang education system doon ay mas mura sa NZ kumpara sa ibang bansa.

Baka sa Pasko ay pumunta silang pamilya roon para tumingin ng mabibi­ling farm at mag-inquire na rin ng possible schools para sa mga bagets.

14 years nang kasal si James kay Tania.

Aminado ang aktor na nagkaroon ng pagkakataon na nagkamali siya sa asawa niya at inihingi na niya ito ng tawad.

Ayaw niyang sabihin kung ilang beses na siyang nagkamali. Malaki ang pasasalamat ni James na relihiyosa ang asawa niya at hindi siya iniwan nito.

Nagbago na raw siya at faithful husband na siya ngayon.

Sa edad na 35-anyos ay alaga ni James ang katawan niya kaya papalicious ang dating niya o kung tawagin ay DILF (o dads I love to f*ck).

Kung papayagan siya ng misis niya ay keri niyang magpakita ng puwet o kahit ng harapan pa, pero dapat ay may katuturan ang pelikula.

Actually, wish ni James na makagawa ng isang serious gay film na ipinapakita ang buhay ng mga bading, na masaya sa labas pero sa loob ay malulungkot ang buhay.

Marami kasing kaibigang gay si James na nag-o-open up sa kanya ng tungkol doon.

Okey lang sa kanya kung may gay sex scenes basta kailangan talaga sa pelikula. Wala rin siyang problema sa hubaran.

Napanood kamakailan si James sa first indie film niyang Pilapil na isa sa anim na entries sa 1st ToFarm Film Festival.