James kinalos ang Spurs

James kinalos ang Spurs

Sa likod ng ­vintage performance ni ­LeBron James, kinalos ng Los Angeles Lakers ang San Antonio Spurs 114-104 para ekisan ang pangwalong ­sunod na panalo Lunes nang gabi.

Nagsumite si James ng 33 points at 13 ­assists, may 17 ­markers at 12 boards si Anthony Davis para sa Lakers, tatlong beses nang tinalo ngayong season ang kanilang long-time Western Conference rivals sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Magtatapat muli sila sa Pebrero 4 sa LA.

Kumana ng 30 points si LaMarcus ­Aldridge, ­nagdagdag ng 22 si DeMar ­DeRozan para sa Spurs.

Inumpisahan ni Aldridge ang laro na 3 of 4 sa field kasama ang pang-10 niyang 3-pointer ngayong season. Si James ang pangunahing pinambulabog ng LA sa Spurs big man.

Hinarana ng “MVP! MVP!” chants si ­LeBron mula sa ­malaki-laki ring ­Lakers fans na dumagsa sa AT&T Center. Hindi niya binigo ang contingent.

Blinangka ni Trey Lyles ang jumper ni Davis sa paint 20 se­conds pa sa first half. Nakuha ni Dejounte Murray ang block at kumaripas pa-kabila, pero hinabol ni James at mula sa likod ay binutata rin ang layup ng San Antonio guard.

Dalawang sunod na step-back 3s ang ibinaon ni James sa fourth quarter ­tungo sa 93-85 lead, ­sinundan niya ng drive at alley-oop pass kay JaVale McGee para ilista ang pang-10 ­assists niya sa laro.

Tinapos ni LeBron ang laro na 13 of 24 mula sa field, 4 for 7 sa 3-point range sa loob ng 35 minutes. (VE)