VE
Christmas Day, inabot ng left groin strain si LeBron James sa third quarter ng 127-101 win ng Lakers laban sa Golden State.
Nagpa-MRI si James, naglabas ng abiso ang Lakers na day-to-day ang kanilang superstar.
Para kay Warriors point guard Stephen Curry, maaaring abutin ng isang linggo bago makabalik si LeBron.
Nagkaroon din ng left groin strain si Curry noong Nov. 8 at hindi nakapaglaro sa sumunod na 11 games ng Warriors.
“You got to take those first four or five days, that was what my experience was, to make sure you don’t do any more damage,” paliwanag ni Curry kay Marc J. Spears ng The Undefeated. “You have to let the healing process start. That is one you can’t really rush. That is how I felt because it was such a delicate area.”
Minsan daw ay wala nang nararamdamang sakit, pero kailangan pa ring maghinay-hinay. Ibig sabihin, hindi puwedeng isabak agad sa laro.
“I don’t know the severity (ng injury ni LeBron), but becoming pain-free is just one step. And then you have to ramp up your load on the court to make sure everything you do won’t set you back,” dagdag niya.
Mahirap daw na bumalik ang injury kapag pinilit.
Matibay si LeBron, isang beses lang – noong 2014-15 – lumiban ng higit sa pitong laro sa isang season dahil sa pananakit ng likod at tuhod.
Hindi na sumama sa Sacramento si James nitong Huwebes, at wala siya nang takasan ng Kings ang Lakers 117-116.