Sa kabila na ipinakita ni Michela Cazzola na masaya sila ng anak na si MJ sa kanilang Ilocos Norte trip, may ilang netizens pa rin ang napapaisip kung bakit wala rito si James Yap.
Dumalo umano ang basketbolista sa kasal ng kapatid nito pero may ilang nagtataka rin kung bakit wala si Cazzola at ang dalawa nilang anak sa seremonya.
Hindi man sumasagot sa mga katanungan na ito si Yap, si Cazzola naman ay panay ang patol sa netizens.
Sa Instagram post ni Cazzola kung saan karga niya si MJ, isang netizen ang nag-comment dito ng, “I hope everything is ok with you and James… kasi nakakasad (It makes me sad).”
Sinagot naman ito ni Cazzola ng, “Why, ‘cause I said a good photographer took my photo? Or what? The caption? What’s with the caption. You don’t see or don’t get the beauty of those words?”
Nag-ugat ang mga espekulasyon na may problema ang relasyon nina Yap at Cazzola sa post ni Yap ng kasal ng kapatid noong Nov. 24 kung saan wala sina Cazzola.