CUATROS

ROMMEL PLACENTE: Dahil sa pag-alis ni James Reid sa VIVA, sinasabihan tuloy siya ng kanyang detractors na walang utang na loob. Kung hindi raw kasi sa VIVA ay hindi siya makikilala at sisikat. Oo nga at may utang na loob si James sa nasabing kompanya. Pero kung ganyang hindi na rin naman siya nabibigyan ng mga proyekto, bakit pa naman siya mananatili du’n ‘di ba?

After ng pelikulang “Never Not Love You”, na pinagtambalan nila ng live-in partner na si Nadine Lustre na ipinalabas last year pa, ay hindi na siya nabigyan ng pelikula.

Matatapos na ang taon, wala pang proyektong binibigay sa kanya ang VIVA. Si Nadine ay binigyan ng follow-up movie, pero hindi si James ang kinuhang kapareha.

Sa “Ulan” ay si Carlo Aquino at sa “Indak” ay si Sam Concepcion. After ng dalawang pelikulang ito ay binigyan ulit ng VIVA si Nadine, ang “Miracle in Cell No. 7”, na kasali sa MMFF 2019. Walang James na kasali sa pelikula.

Hindi nga lang natuloy rito ang aktres. Bigla niya itong tinanggihan.

Siguro napansin ni James na puro si Nadine na lang ang binibigyan ng pelikula ng VIVA to think na love team sila kaya nag-decide siyang umalis na nga lang sa pangangalaga nito. Pero puwede rin naman siyang ipareha sa iba ‘di ba? So, masisisi ba natin si James?

MILDRED BACUD: Ibig sabihin lang mga ka-Cuatros, buwag na rin ang JaDine love team dahil sa pagkawala ni James Reid sa VIVA. Kaya naman pala sinubukang ipareha sa iba ang aktres kaso waley. Iba pa rin ang JaDine.

Sayang, isa sila sa mga love team na malawak ang fanbase tulad ng KathNiel at LizQuen.

May source ngang nagkuwento sa amin, sey daw ng kampo ni James kay Nadine, kung gusto pa nitong masalba ang love team nila ay umalis siya sa VIVA. May ganu’n? Kaya malungkot ang mga fan.

Kung sabagay, hindi lang naman ang JaDine ang mga love team na pinanghinayangan. Nauna na ang AlDub, McLisse tapos ang JoshLia. Eh ganu’n talaga sa showbiz, walang permanente. Nakaka-move on naman ang lahat at nagkakanya-kanya ng career. Ang aabangan natin d’yan ay kung susunod si Nadine kay James. Sa pagbabakasyon nila sa ibang bansa ay makapag-usap kaya sila nang masinsinan kung ano ang gagawin nila sa kanilang mga karera? Si Nadine, pagbalik ng Pilipinas ay may sure nang show, si James after “Idol PH” ay paano na kaya? Babalik ba siya sa dating network? Sa bagay, sa Kapamilya naman siya nagsimula bilang big winner sa “Pinoy Big Brother” teen edition.

RODEL FERNANDO: Totoo ba na kaya aalis ng VIVA si James dahil may isyu sa pera? How true na hindi raw masaya ang aktor sa natatanggap niyang talent fee sa kanyang mga proyekto? Ito ay tsismis lamang pero sa anupamang kadahilanan ay siguradong malalim ang rason sa pagtalikod ni James sa namamahala ng kanyang karera.

Maaari ring hindi na siya masaya sa poder ng malaking kompanya kaya nagdesisyon na siya. Pero sana, pag-isipan niyang mabuti ang kanyang paglilipatan. Dapat siguro ay bumalik siya sa Star Magic na unang nag-handle ng kanyang career. Huwag sanang kung kanino lang siya mapunta, baka maligwak ang maganda na niyang kinalalagyan sa Philippine showbiz.

Kung nakakaranas man ngayon si James na hindi masyadong successful ang kanyang mga proyekto ay sigurado namang makakabawi siya. Marami na siyang followers na naghihintay lang ng magandang proyekto na kanyang gagawin.

Sa sarili naming opinyon, huwag lang siyang itambal muli kay Nadine at siguradong hindi na naman ito susuportahan ng mga tao, ke pelikula man o TV show.

RONALINE AVECILLA: Well, sa tingin ko ay makakabuti naman kay James na magpalit ng management. Hindi naman siguro basta-bastang malalaos ang aktor lalo na at malaki ang fanbase nila ni Nadine. Hindi rin naman maitatanggi na malaki ang improvement niya sa huli niyang pelikula nitong 2018 na “Miss Granny”. Sayang lang at hindi pa ito nasundan hanggang ngayon.

Hindi katulad ni Nadine na kalagitnaan pa lamang ng taon ay may nakahanda nang dalawang pelikula. Sa totoo lang, hindi ganu’n ka-patok sa takilya ang huling pelikulang pinagsamahan ng JaDine.

Maaaring ang pag-alis ni James sa VIVA ang magtulak pa sa kanya sa mas magagandang proyekto. Bilang artista, kailangan din nilang mag-grow at mas gumaling pa sa craft nila. Kaya maaaring ang pag-alis niya ay magbukas ng mas marami pang pinto sa industriya.