James-Nadine friendship status na lang

James-Nadine friendship status na lang

Ni Mildred A. Bacud

Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon sa kampo nina James Reid at Nadine Lustre kung true nga ba ang isyu ng hiwalayan nila. Madali lang naman i-deny kung hindi ito totoo. Nagagalit na ang mga fan ng JaDine sa mga nagsusulat tungkol dito. Ayaw nilang tanggapin ang situwasyon.

Nanindigan naman ang aming source na hiwalay na nga ang dalawa. “Lalabas din ang totoo,” diretso niyang pahayag. Nagkasundo na umano sina James at Nadine na maging friends na lamang kaya patuloy pa rin ang support nila sa isa’t isa.

Ikinagalit din ng mga JaDine fan ang tsikang magpapakamatay umano si James ‘pag iniwan siya totally ni Nadine.

Kakapirma rin ng aktres sa music label ni James kaya hindi mawawala ang komunikasyon nila.

Pero nu’ng isa gabi ay gumimik ang aktor pero ibang babae na umano ang kasama.

Kung oobserbahan ang mga post ni Nadine sa kanyang IG, makahulugan ang mga caption niya. Wala rin silang latest na pic ni James na magkasama.

Pero bakit kaya wala pang pag-amin? Hindi rin nagre-reply si Nadine sa mga reporter na close sa kanya na inaaalam ang tunay na situwasyon.

Ang reaksyon tuloy ng iba ay gusto lamang ba nilang pag-usapan? Matagal na rin naman kasing walang project ang JaDine mula nang umalis ang aktor sa poder ng Viva.

Malabo na rin naman silang magkatrabaho for now dahil iba na ang ipapareha kay James.