Nagtulungan sina LeBron James at Kyle Kuzma para baliktarin ang 19-point deficit sa third quarter ng Los Angeles Lakers tungo sa 111-106 panalo kontra Houston Rockets Huwebes ng gabi.
Tumapos si James ng 29 points, umayuda ng 27 si Brandon Ingram.
Kinumpleto ng Lakers ang pang-anim na comeback win ngayong season kapag naiwan ng 15 o higit pa.
Halos buong larong naghahabol ang LA, nasa likuran pa rin 95-88 may 7:49 pa sa laro nang magkasa ng 17-4 run sa loob ng 6 minutes.
May eight points sa spurt si James kabilang ang panlamang 99-97, 4:15 sa orasan. Umagwat pa sila ng walo sa final minute.
Nagsalansan ng near-triple-double na 30 points, 10 rebounds at 9 assists si James Harden sa Houston bago na-fouled out 1:24 pa.
Nilista ni Harden ang kanyang 32nd consecutive game na may 30 points o higit pa, naungusan na si Wilt Chamberlain sa second-longest streak sa kasaysayan ng NBA. Si Chamberlain pa rin ang may hawak sa record na 65 games.
Fouled out din si Chris Paul na may 23 points sa Houston.
Iwan pa ang Lakers 86-72 sa final 4 minutes ng third bago nag-rally, isinara ang quarter sa 9-2 blitz – lima rito kay Kuzma at apat kay James.
Kailangang kumayod nang todo si James para piliting ibalik sa playoff picture ang Lakers, nasa 10th place sa West sa 29-29, sa likod ng No. 9 Sacramento (30-28). No. 8 ang Clippers (32-27).
“I need to be in that level right now. Knowing the circumstances we are in and kick starting something,” wika ni James, may dagdag pang 11 rebounds at 6 assists. “I like where I am at and will continue to get better. Tonight was a step in the right direction.”