MAGKAHALONG iyak at tawa ang naramdaman ng JaDine fans dahil sa birthday message ni James Reid sa girlfriend niyang si Nadine Lustre.

Magkasama ang dalawa ngayon sa Japan, para i-celebrate ang ika-24th birthday (October 31) ni Nadine.

Siyempre, abang-abang ang mga fans sa kung paano ba igi-greet ni Jaime si Nadya. Sa paanong paraan daw kaya magaganap ang inaasam nila.

Pero, kahapon nga, sa Instagram account ng Folded & Hung, at ng Viva Artist Agency (management ng JaDine) lumabas ang birthday greetings ni James.

At yes, magkahalong iyak at tawa nga ang na-feel nila dahil ramdam na ramdam daw nila ang sobrang pagmamahal ni James kay Nadine.

“Hi Love, happy-happy birthday. I just want to let you know that your energy is a beautiful light in this world, especially my world, never forget that…” sey ni James.

Ang bongga, ‘di ba? Maiksi, pero malaman. Mga simpleng salita, na hindi ginamitan ng kung ano-anong highfalutin words para magpa-impress.

Actually, ‘yung salitang ‘love’ nga lang ay sapat na para kiligin nang husto ang mga fans nila.

https://www.instagram.com/p/Ba5kZCqDPZ6/?hl=en&tagged=jamesreid

Eh, sinamahan pa ng beautiful light daw ang energy ni Nadine, especially kay James, kaya lalong nagtititili na sa sobrang kilig ang mga fans nila.

“Nakamamatay na birthday message. Hangin please. Hindi ko kaya. Ang sweet!” sabi ng mga followers nila.

Well, sa mga pinagdaanan ni Nadine, nakakatuwang malaman na may James Reid na umaagapay sa kanya.

Hindi madaling tanggapin ang sitwasyon ni Nadine, na namatayan ng kapatid, sa isang paraan na hindi mo inaasahan.

Well, nakikita na nga ngayon, na maling-mali ang hula ng marami, na kesyo hindi mauuwi sa relasyon sina Nadine at James, na kesyo maggagamitan lang sila para sa fans nila, para sa kasikatan nila, para sa datung.

Dahil heto nga, tumatagal ang relasyon, at kitang-kita sa mga mata ni James, na ang babaeng ayaw niyang ligawan noon, nakatatak na sa puso niya ngayon.

Eh, di ikaw na Nadine. Happy ka na, birthday mo pa!