James out sa World Cup, in sa Summer Olympics

Lakers balik-panalo sa pabida ni LeBron

Malabong makasama si LeBron James sa Team USA na lalaro sa 2019 China FIBA World Cup, pero may posibilidad na sasabak siya sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

Tapos na ang season ni LeBron, ipinahinga ng Los Angeles Lakers dalawang linggo pa bago matapos ang regular season. Sa pang-anim na sunod na taon, napagsarhan sa playoffs ang Lakers.

Si LeBron, sa nakalipas na 13 seasons ay hindi pumalya sa postseason. At sa unang pagkakataon din sa nakalipas na siyam na taon, wala siya sa NBA Finals.

Sa halip na lumaro sa World Cup sa Aug. 31-Sept. 15, magiging busy si LeBron sa summer para mag-shoot ng Space Jam 2.

Ikinasa at inayos ang schedule ng filming ng Space Jam dahil hindi na lalaro si LeBron sa World Cup.

Pero gusto niyang sumabak sa Tokyo Olympics.

“Yeah, that’s a possibility,” pahayag ni LeBron kay Joe Verdon ng The Athletic. “It depends on how I feel. I love the Olympics.”

Wala si James noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.

Ipinahinga siya ng Lakers para makarekober mula groin injury hanggang susunod na season. Pahinga, rekober. ‘yun ang pinakaimportante ‘dun. Ibig sabihin, walang dibdibang laro tulad ng sa World Cup.

Sa susunod na taon ay 35 na si LeBron, siguradong may asim pa para sa Olympics. (VE)