James Perfect Lover Boy

May perpektong lover boy pa nga ba? Yung hindi seloso pero hindi gumagawa ng mga bagay para ikapagseselos naman ng partner niya?

Base sa mga naging pahayag ni James Reid kunsaan, si Nadine Lustre raw sa loob ng tatlong taon nila ang maituturing niyang longest relationship niya at hindi raw niya hinahayaan na magkaroon ng dahilan para magselos ito.

Ayon kay James, “It doesn’t feel like three years, parang it’s so fast.
“I don’t mind if she’s hanging-out with other people, other guys.”

Sa parte raw ni James, pinapayagan naman daw siya ni Nadine na lumabas na hindi ito kasama. Pero siya raw mismo ang may choice na huwag na lang.

Nang tanungin sa GGV si James kung bakit kahit pinayagan ito ni Nadine, kinilig halos lahat sa sagot niya, “because I’m in a relationship.”

Dugtong pa niya, “When I’m in a relationship, I try my best not to give her any reason to feel jealous.”

‘Pedro Penduko’ naunsiyami

Naka-hold pa rin ang pelikula na pagbibidahan ni James sa VIVA, ang remake ng “Pedro Penduko” kunsaan, gagampanan niya ang karakter na sina Peter Harris at Pedro Penduko.

Dahil sa aksidenteng naapektuhan ang shoulder niya, naunsiyami lalo ang shooting nito at so far, wala pang assurance kung kailan ito masisimulang muli.

Ayon kay James, “Yes, it would be delayed because I had shoulder injury when I was training. It would take couple of months to heal. I wasn’t ta­king care of the healing process. It’s one of the tendon in my shoulder, it takes time to heal.”

Dahil sa injury niya, may mga bagay na na­ging limitado raw siyang magawa. Isa na rito ang pagwi-weight training.
“I can’t do weight training or heavy exercises for now, but I’m slowly getting back into it,” saad niya.
Sa naging presscon nga ng The Cr3w, nagmamadali na si James na makauwi. Naghihintay na raw ang naka-schedule nitong acupuncture na isa rin sa ginagawa niyang paraan para sa pain ma­nagement ng kanyang injured shoulder.

Sam is my favorite singer of all time – Jayme

Hindi na bago para kay James ang mag-concert sa Araneta Coliseum. Ikatlong beses na ito gagawin ni James. This time nga lang, special guest na lang niya si Nadine dahil silang tatlo ng mga kapwa VIVA artist niya na sina Billy Crawford at Sam Concepcion na ang bibida sa April 5 concert sa Smart Araneta na The Cr3w.
Ayon kay James, “I’m sure, we’re all excited to be performing together.­ I’ve idolizing these two for a long time. I’m very happy.”

Hindi lang first friend in showbiz si Sam para kay James, tahasan din niyang sinabi kung ano ito sa kanya.
“Sam is my favorite singer of all time,” ang may paghangang paha­yag niya tungkol sa kaibigan.

Insekyur na hurado sa ‘Idol Philippines’

Kumbaga sa isang putahe, kumpletos rekados na ang isang James Reid. As a star, si James ang lalaking hindi kailangang angguluhan. Napakaganda ng visual, may lalim sa pag-arte. Hindi lang singer, dancer at songwriter, pero producer pa.

Sa kabila nito, may ilang nangba-bash at kinukuwestiyon ang pagiging isa sa mga judge niya sa Philippine Idol.
“Actually, hindi ko pa nakita ‘yung mga reactions. Actually, ayo­ko,” natawa niyang sabi.

“I have an idea of what they’re saying. Of course, I have my own insecurities about being a judge. They picked me for a reason because as of now, I’m successful in my field and I have something to offer.”
Nakangiting sabi na lang niya, “It’s my opinion, you’re welcome to have your own.”

Natulala kina Robin, Gary

Natatandaan niyo pa ba ang mga “first” sa buhay niyo?

Sa isa sa mga video na ini-upload ng VIVA TV, ibinahagi ni James Ried ang ilan sa mga “first sa buhay” niya.
First Thought When I Woke up this morning: “It’s going to be a long day.”
First Acting Gig: “Good Vibes! I was with Sam Concepcion.”

First Fanboy Moment: “Gary Valenciano, Robin Padilla. The first celebrity I got strastrucked with. I don’t know why.”

First Friend in Showbiz: “Besides my housemates (PBB), it was Sam (Concepcion), my first friend in showbiz.
First Extreme Adventure: “There’s so many, but my most extreme, when I went sky diving in Dubai. It was crazy.”
First Role Model: “My eldest brother.”

First Crush: “I think, my grade 1 teacher.”
First Love: “That would be my Dad.”

First Heart Break: “Will I sound bad if I’ll say, I’ve ­never been heartbroken?”

Obyus naman na magka-live in na kami ni James – Nadine

Hindi rin sinasadyang naamin ni James sa naging guesting niya noong isang Linggo sa Gandang Gabi Vice na nagli-live-in na nga sila ni Nadine. Matagal-tagal na rin isyu ang live-in sa kanila at minsan nang naging controversial ang dalawa dahil dito.

Pero last episode lang ng GGV nang tahasang sabihin ni James na, “We live together.”
Nang makausap naman si Nadine ng ilang press sa nakaraang premiere night ng kasalukuyang pelikula nito, ang Ulan, sinegundahan na rin nito ang naging pag-amin ni James.

“Parang hindi naman na bagong isyu ‘yan, ewan ko ba kay James,” natawang sabi niya.

“But no, really, we didn’t say anything before because hindi naman na rin importante na malaman ng ibang tao. But I guess, it’s out and parang hindi na rin naman surprising. Medyo obvious na rin naman siya, so yun…” sabi pa ni Nadine.

Kumpara sa karaniwang Pinoy loveteams, kung may tinatawag man na formula, iba ang JaDine. Umpisa pa lang nang umamin sila sa naging JaDine In Love concert nila noong 2016, ilang araw pa lang halos na officially sila na nga.
Noon pa lang, binansagan na silang “Team Real.”

At ‘yung pagi­ging totoo nila sa isa’t isa at maging sa mga tagahanga nila ang nakikita naming formula kung bakit ang JaDine ay may solid fan base talaga.